7 Pamanahunang Papel (Overpopulation)
A. PAGPAPASALAMAT Ang pamanahong papel na ito ay hindi ko magagawa at matatapos kung hindi dahil sa gabay at tulong ng mga ss. · Sa gabay ng poong may kapal sa lahat ng oras · Sa mga magulang ko na nagbigay ng pera para magawa ko ang proyektong ito at sa mga gabay nila · Kay Gng. Aida T. aspado na nagturo sa amin. Sa Paggawa nitong pamanahong papel.
MARAMING SALAMAT PO!
B. PANIMULA Napakahalaga para sa atin na malaman ang nangyayari sa ating bansa. Sa pamanahong papel na ito tinatalakay ang patuloy na pagdami ng populasyon sa ating bansa, at kung ano ang epekto nito sa ating pamumuhay. Isang malaking suliranin ang paglobo ng ating populasyon. Kailangan nating maunawaan at pag-aralan ang problemang ito para rin maiwasan natin ang kahirapan.
C. MGA TIYAK NA LAYUNIN Ang pamanahong papel na ito na may paksang tungkol sa pagdami ng populasyon ay naglalayong maipaunawa sa atin kung gaano kalaki ang epekto ng overpopulated sa ating bansa. Naglalayon din itong maipaliwanag sa mga mambabasa m ambabasa ang epekto sa atin ng overpopulation.
D. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Mahalaga sa ating pag-aaral nang sa gayon maunawaan ng mga mag-aaral na ang pag-aanak ng marami ay nagdudulot ng kahirapan. Mahalaga ring pag-aralan ito upang malaman kung paano natin mapipigilan ang patuloy na paglaki ng populasyon at kung paano rin tayo makakatulong sa ating bansa.
E. SAKLAW AT LIMITASYON Saklaw nito ang epekto ng overpopulation sa ating bansa, at kung paano nangyayari ang ganitong suliranin sa ating bansa. Saklaw din nito kung paano natin nararanasan ang pagkakaroon ng sobrang daming populasyon.
F. KATUTURAN NG MGA KATAGANG GINAMIT Ang mga katagang aking ginamit sa pamanahong papel na ito ay nagpapadali para sa mga mambabasa na maunawaan ang bawat detalye. Nandito ang mga sumusunod na salita. Populasyon - Sa biology, ang isang populasyon ay ang koleksyon ng maki-aanak ng mga organismo sa isang partikular na uri ng hayop; sa sosyolohiya, isang koleksyon ng mga tao. Overpopulation - ay isang kalagayan kung saan ang isang organismo 's mga numero lampasan ang kakayahan magpadala ng kanyang tahanan. In common parlance, the term usually refers to the relationship between the human population and its environment , the Earth . Sa karaniwang paraan ng pagsasalita, ang mga kataga ay karaniwang tumutukoy sa mga relasyon sa pagitan ng mga populasyon ng tao at sa kanyang kapaligiran, ang Earth.
G. SANDIGAN NG PAG-AARAL · Aklat- Dito ako kumuha ng mahahalagang impormasyon na aking kailangan. · Internet- Karamihan ng aking mga nakalap ay dito ko rin natagpuan · Telebisyon- sa panunuod ng mga balita nalaman ko na Overpopulated na an gating bansa, at sa panunuod ng dokumentaryo.
H. STRATEHIYANG GINAMIT SA PINAGKUNANG DATOS
Ang istratehiyang aking ginamit para makabuo ng isang pamanahong papel ay nagbasa ako ng mga libro tungkol sa aking paksang ginamit o napili, dahil dito nakakuha ako ng mga ideya at nanood din ako sa telebisyon ng mga salita na makakatulong sa akin. At sa internet na tumulong sa akin upang makumpleto ko ang aking proyekto doon din ako kumuha ng mga salitang aking kakailanganin. Pinagsama-sama ko ang mga datos na iyon kaya nabuo at natapos ko ang aking proyekto.
I. PAGLALAGOM NG KONGKLUSYON Isa sa mga suliranin ng ating bansa ay ang populasyon. Kaakibat ng suliraning ito ang iba pang mga problema kabilang na ang kahirapan ng bansa at mamamayan. Ang suliranin sa sobrang laki ng populasyon ay maselan na usapin dahil ito ay may kinalaman sa buhay ng bawat tao maging ng nasa sinapupunan pa lamang. Ang pamanahong papel na ito ay tumatalakay sa unti- unting pagdami n gating populasyon at mga problemang dulot ng sobrang laking populasyon
J. PAGLALAHAD Nakakabahala na itong problema ng lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng National Statistic s Office (NSO) lumilitaw na lumalaki ang rate of natural increase ng population ng Pilipinas sa rate na 2.1%. Malaki ang population growth rate na ito para sa isang maliit at pobreng bansa tulad ng Pilipinas. Sa buong mundo, and populasyon ng kabuuan ng mga industrialized countrie s ay nasa 1 billion; sa developing countries 5 billion. Ang bansa natin ay kabilang sa top 15 most populous countries sa daigdig. Nangunguna sa listahan ang bansang China na may 1.318 billion at may growth rate na .5%; pangalawa ang India na may 1.131 billion sa growth rate na 1.6%. Pangatlo ang United States na may 302 million population na meron lamang .6% growth rate. An growth rate na binabanggit ay yung rate of natural increase, hindi kabilan g ang migration. Kung pagbabasehan ang rate of natural increase ng population, pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo. Una ang Nigeria na may 2.5%, pangalawa ang Pakistan na may 2.3%, at ang Pilipinas 2.1%. Noong Mayo 2000 ay nasa 76.5 milyon na ang populasyon ng Pilipinas at kailan lang ay nagsagawa muli ng census ang NSO para matiyak ang aktuwal na bilang ng mga Filipino. Pero sa ginawang pagtaya ng ahensya, posible raw na nasa 88.7 milyon na tayo.
Maraming kakambal na problema ang malaking populasyon, lalo na sa third world country na tulad natin. Unang-una ang kahirapan na mayroong sanga-sangang epekto gaya ng gutom, krimen, corruption, kawalan ng tamang edukasyon, unemployment at iba pa. Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan. Kung malaki ang populasyon, naistress ng husto, at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakokonsumo ang enerhiya. Ngayon pa nga lang ay ramdam na natin ang krisis sa tubig at kuryente. Hindi lang ang global changes sa klima ang ugat nito kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas. Andiyan din ang suliranin sa basura at polusyon sa paglobo ng populasyon. Sa Puerto Princesa City nasa tayang 10 metrikong toneladang basura ang nakokolekta ng tanggapan ng Solid Waste. Hindi pa natin masyadong pinu-problema ito sa ngayon. Paano na kaya kung ma-triple ang populasyon? Tulad ng sa ibang lunsod sa bansa, ito ang araw-araw na bangungot sa kanilang kapaligiran. Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad. Kapag kumakalam ang sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na respeto at pagmamahal sa kapwa ay survival instinct ang namamayani sa mga tahanan. Tunay na napakaseryosong problema ang populasyon. Napakahalagang mapagtuunan na ito ng karampatang atensyon at malapatan ng mga kongkretong hakbang bago pa sumabog sa pagmumukha natin ang isa na namang krisis. Lahat ng nilalang ay binigyan ng Diyos ng pag-iisip upang mag desisyon sa kanyang buhay, kabilang na ang bilang ng magiging anak. Sa usaping ito, naniniwala tayo sa karapatan ng mamamayan at ng magasawa na pumili ng nararapat na paraan upang makamit ang tinatawag na responsible parenthood. Sila lamang at wala nang iba pa.
K. PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON Dahil sa mga suliraning dala ng overpopulation, kailangan na planuhing mabuti ng mag-asawa ang reponsibilidad ng anak para sa magandang kinabukasan ng kanilang anak at bayan.
L. APENDIKS OVERPOPULATION, 3 NSO, 3 Coruption, 4 global Changes, 4
krimen, 4
M. BIBLIOGRAPI Kirk, D. (1973). "The misunderstood challenge of population change. (Presented at the Convention of the American Institute of Architects, May 19 73, San Francisco.)." Population Reference Bureau 44 Ayala, F. J., 1977, The Genetic Structure of Populations, in Dobzhansky, T., Ayala, F. J., Stebbins, G. L., and Valentine, J. W., eds., Evolution: San Francisco, California, W.H. Freeman & Co., p. 20-56. Ehrlich, P. R., and Birch, L. C., 1967, "The balance of nature" and "population control": American Naturalist, v. 101, p. 97-107. Wilson, E. O., and Bossert, W. H., 1971, A Primer of Population Biology: Sunderland, Mass., Sinauer.
pagpapatiwakal ng mga kabataan
(note: here's a paper i turned in a couple of years ago) Alam ba ninyong maraming online website na nagbibigay-payo sa mga taong nagbabalak magpatiwakal? Ganito ang kaso sa Hapon, kung saan nauuso ang sabay-sabay na pagpapakamatay ng mga tin-edyer. Hindi kataka-taka, sa mga chat room ng nabanggit na mga site nagkatagpu-tagpo ang mga taong kasangkot sa grupu-grupong pagpapatiwakal.
Isang
³akto ng biglaan, intensyonal at hiniling na pagsira ng sarili [the act of deliberate, intentional and wished-for self-destruction³(Fairbaim, 7) ang pagpapatiwakal. Ibinubunyag ng mga datos pang-estadistika na lumobo nitong huling mga taon ang pagpapakamatay sa mga kabataang Filipino (Hicap). Kung walang karampatang aksyon hinggil sa nakaaalarmang pagtaas ng bahagdan ng pagpapatiwakal ng mga kabataan sa Pilipinas, matutulad ang bansa sa Hapon, kung saan mahigit 34,000 katao ang namamatay taun-taon dahil sa pagpapatiwakal. Isang palasak nang kaalaman na kabataan ang humuhubog sa hinaharap ng isang bansa. Nagiging pangulo sila, puno ng mga kumpanya, senador, abogado at marami pang iba. Gayunpaman, kung mangawawala ang kabataang Filipino dahil sa pagpapatiwakal, wala nang kinabukasan ang bansa lalo pa at bumubuo sila ng malaking bahagdan ng lakas-paggawa sa Pilipinas. Walang kikitain at hindi makararaos ang pamahalaang mas marami ang retiradong mamamayan kaysa mga uring manggagawa. Isinasaad ng Simbahang Katoliko at halos lahat ng pananampalataya na isang mortal na kasalanan ang pagpapatiwakal dahil tinatanggal ang buhay na bigay ng Diyos nang mas maaga sa Kanyang oras at plano. Sa moral na aspeto, bawal ang pagpapakamatay sa lipunang Pilipino. Sinasalamin nito ang pagkabulok ng moralidad dahil isa itong kasalanang pinagdesisyunan at isinaalang-alang na isakatuparan. Kung maipaalam ang pambansang kamalayan hinggil sa kasagsagan ng pagpapatiwakal at kung gaano ito nagdudulot ng pagkapuksa ng lipunan, maaasahang bababa nang matulin ang bilang ng mga kaso ng pagpapakamatay. Maraming kabataang Filipino ang maiisip na inutil ang pagpapatiwakal at totoong maraming mas mabuting pamamaraan upang solusyunan ang mga suliranin kaysa basta na lang magpakamatay. Marami ang hindi nakapapansin na nagiging dambuhalang problema ng Pilipinas ang pagpapakamatay. Dahil dito, layunin ng papel na ito na patindihin ang at lumikha ng kamalayan ang lahat ng sektor gaya ng pamahalaan, ang akademya, maging ang midya ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iba¶t-ibang sektor, maraming tao ang maisasabuhay na natatalo na ang digmaan laban sa pagpapatiwakal at panahon na upang gumawa ng paraan para mapagaan ang sitwasyon. Maisasakatuparan lamang ang pagresolba sa pagpapakamatay sa pagsasama-sama para bumuo ng malawakang kamalayan. Maaabot ang mga layuning ito sa pamamagitan ng malawakan at masusing pananaliksik sa estadistika, mga artikulo, sarbey at panayam tungkol sa pagpapatiwakal. Ang Pag-usbong ng Pangkabataang Pagpapakamatay Ipinapakita ng mga pag-aaral ng Philippine Mental Health Examination na mataas ang panganib ng pagpapakamatay sa mga lalaki at babaeng nasa kalagitnaan ng gulang 45 hanggang 50 at 50 hanggang 55. Gayunpaman, lumilikha na ng matinding alon sa niyayanig na bansa ang pagpapakamatay ng mga binatilyo at dalagita. Ayon sa mga bagong estadistika, tumataas ang bahagdan ng mga kabataang nagpapakamatay partikular ang mga nasa edad 15 hanggang 24 dahil sa mga panahong ito, nakararanas sila ng todong pagkalito at nakararamdam ng asulto ng maraming salik (Jara-Puyod). Inilalarawan ng mga mananaliksik ang mga kabataang Filipino sa kasalukuyang napakabilis na panahon na ³namumuhay sa bingit ng kawalang-pakialam«namumuhay sa pinatinding kapaligiran dulot ng mga impluwensiya sa paligid [living on the edge with carefree attitudes« living in hyped up environment brought about by environmental influences]´ (Hicap, 9). Samantala, kaugnay ng maraming suliranin, kagustuhan at pakikipagtunggali ang pamumuhay na ito upang magtagumpay at maging mahusay dulot ng malaking pagasa sa kanila at mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat. Maraming kabataang hindi nakauungos sa ganito ang nag-aabuso ng droga at tinitignan ang pagpapatiwakal bilang tanging lunas sa kanilang mga dalahin. Sa Estados Unidos, ikatlo ang pagpapatiwakal sa mga nangungunang dahilan ng kamatayan ng mga kabataan sa pagitan ng 15 hanggang 24 taon. Ibinabadya ng estadistikang ito na mas maraming tin-edyer at kabataang namamatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal kaysa sa sama-samang sakit sa puso, kanser, AIDS, depekto sa kapanganakan, atake at sakit sa baga (Laparan). Sa Hapon, lumalalang problemang panlipunan ang pagpapatiwakal ayon sa kumpirmasyong nakalap ng National Police Academy (NPA). Noong 2003, lumobo ng 57.6 porsiyento ang bahagdan ng mga nagpakamatay na mag-aaral sa elementarya at middle school samantalang 225 estudyante sa hayskul ang nagpatiwakal. May pagtaas din ang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo na pinapatay ang kanilang mga sarili. Tumaas ang kabuuang bahagdan ng mga nagpatiwakal sa mga edad 19 pababa haggang 22 porsiyento noong 2003 (Curtin). Hindi malayong maugnay sa Estados Unidos at Hapon, umaakyat sa nakababagabag na bahagdan ang kabataang pagpapatiwakal gaya ng nauuso. Ayon kay Leah Valbuena, guro sa Sikolohiya sa Pamantasan ng Pilipinas-Manila at kasalukuyang nagbibigay
ng payo sa mga nagbabalak magpakamatay, nangangahulugan ng ³agresyon para sa sarili [the aggression directed towards the self]´ at ³para sa pagkawasak ng sarili [for self-destruction]´ ang pagpapatiwakal (Laparan). Kahit walang matibay na paliwanag bakit sumusubok magpakamatay ang mga tin-edyer at kabataan, may kabuuang pagsang-ayon na ³nakararamdam ng kawalang-pag-asa sa kanilang sitwasyon ang mga kabataang nagpapakamatay at naniniwalang hindi ito nagbabago [youth who take their own lives feel hopeless about their situation and believe it will never change]³ (Hicap, 9). Samantala, ipinakikita ng mga pag-aaral na maraming salik na nagtatalaban sa bayolohikal, emosyonal, intelektuwal at sosyal na pag-unlad ng mga kabataan ang nagtutulak para sila magpakamatay. Ayon sa National Institute for Mental Health, pahiwatig ng mga salik na ito na ang mga kabataang gustong magpakamatay ay mayroong mababasang kaguluhang nauugnay sa isip o sa droga, at mayorya ang mayroong higit sa isang kaguluhan. Mahalagang maunawaan ang mga sintomas ng ganitong kaguluhan at mabasa itong maigi para magamot agad ang mga nagbabalak magpatiwakal. Isa sa mga sanhing ito ang sakit sa isip. Ipinakikita ng estadistika sa Pilipinas na: Siyamnapung porsiyento ng mga biktima ng kabataang pagpapakamatay ang may isang madaling-basahin at aktibong sakit-pangkaisipan sa panahon ng kamatayan²kalimitang depresyon, pag-abuso sa droga o kaguluhan sa pag-aasal. 15 porsiyento lamang ng mga biktima ng pagpapatiwakal ang ginagamot bago mamatay. Sa pagitan ng 26 at 33 porsiyento ng mga kabataan ang dati nang sumubok magpakamatay (Cuenca 1). Depresyon ang nangungunang salik sa maraming pagpapatiwakal ng mga kabataan at pagsubok na pagpapatiwakal. Ito rin ang isa sa pinakamahirap matagpuan dahil maaaring tila dumadaan lang ang biktima sa isang bahagi ng pagkagalit. Sa kabilang banda, kung ang bahaging ito ay lumagpas sa isang linggo at iba pang senyales ng depresyon ang lumilitaw gaya ng pagbabago sa ganang kumain, pagtulog, pagkilus-kilos, pagkamailap at pag-iisip ng kamatayan o parusa, dapat itong seryosohin (Cuenca). Kahit maraming iba pang salik na nagdaragdag sa depresyon ng mga kabataang Filipino, kalimitang bunga ito ng kawalang-balanseng kemikal, sakit-pampisikal, pisikal na pagkagupo, pagbaba ng pagkatuto, mga pagbabagong kemikal sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga at pagkagumon sa gamot (Hicap). Isa pang salik ng pagpapakamatay ang pag-abuso sa alak at droga. Ang mga problemang nauugnay sa salik na ito ang nagbubuyo sa mga tin-edyer para maisipan o mag-astang magpakamatay dahil nakapagdudulot ng depresyon ang alak at droga, at nagpapababa ng inhibisyon para saktan ang sarili. Makapagdudulot ng seryosong depresyon ang maling paggamit sa mga bagay na ito, lalo na sa mga tin-edyer na napapahamak sa depresyon bunga ng kanilang bayolohiya, kasaysayang pampamilya, o iba pang nakapagbibigayproblema sa buhay (HealthyPlace). Bukod sa kanilang epektong depresyon, nakapagpapabago ng paghatol ang droga at alak. Nakahahambalang sila sa kakayanang lumirip ng panganib, bumuo ng wastong desisyon, o umisip ng solusyon sa suliranin. Maraming nangyayaring pagtatangkang pagpapakamatay kung nasa impluwensiya ng alak o droga ang isang tin-edyer. Isa pang salik sa pagdetermina ng panganib ng pagpapatiwakal ang suliraning pangkaasalan. Malimit, maraming tao ang nag-aakalang tahimik, maramdamin at mailap ang mga mapagtangkang magpakamatay. Samantalang maipaliliwanag ang paghihinuhang ito, maraming kabataan ang kabaligtaran ang ipinapakita; maaaring makulit sila at mapang-asar. Sa puntong sikolohikal, matatarok ang kaguluhan sa pag-aasal sa: Paulit-ulit o makulit na gawi ng pag-aasal kung saan ang mga basikong karapatan ng iba o nararapat na paggalang sa nakatatanda ay nasisira, na makikita sa presensya ng tatlo (o higit pang) basehan sa nakaraang 12 buwan, at isang basehan ang makikita sa nakaraang 6 na buwan: pagkagalit sa mga tao o hayop, paninira ng kasangkapan, panloloko o pagnanakaw at ilan pang seryosong pananabotahe ng mga alituntunin (HealthyPlace). Mataas ang panganib sa pagpapatiwakal sa mga kabataang may problema sa pag-aasal dahil sa kanilang suliranin sa agresyon at mas malamang na manakit ng ibang tinedyer kaysa manakit ng kanilang sarili kung nalulungkot sila o nagugulumihanan. Dagdag pa, maraming kabataang may problema sa pag-aasal ang may karamdaman din sa depresyon. Sa kabilang banda, ilang kabataang nagbabalak magpatiwakal ang maaaring itinulak ng ilang suliranin gaya ng nagbibigay-traumang pagtatakwil, pagkainsulto, pagkatalo o pagbagsak. Maraming kabataan ang nabubuyong magpakamatay dahil sa ³kanilang kawalang-kakayahan para makipag-ugnayan, pagiging perpekto, pagpupursige para umangat o magpakitang-gilas, pagkritiko ng sarili, wala-sa-reyalidad na pagtanaw sa kamatayan, paghihiganti o pagmamalabis ng kahinaan [their inability to communicate feelings, perfectionism, pressure to achieve or perform, self-criticism, unrealistic view of death, revenge or
exaggeration of faults]´ (Hicap,9). Marami sa mga kabataang ito ang simpleng nag-aalala at di-sigurado na may obsesyong magustuhan. Inilalagay nila ang kanilang sarili sa mataas na pag-asam at pinipilit ang kanilang sarili ngunit laging talunan. Isang kaso ng pagpapakamatay na kapansin-pansin ang anak ni Senador Miriam Defensor-Santiago na nagpakamatay matapos makakuha ng mababang marka sa Ateneo Law School at hindi tanggapin ng Pamantasan ng Pilipinas, gayong naipasa na nito ang sulating pagsusulit. Ilan pa sa mga ganitong kaso ay pagbagsak sa pagsusulit, di-napaghandaang pagbubuntis, aksidente (Cuenca), at gulong pangrelasyon gaya ng hayskul sa Ateneo na si Christian Duke Pizarro, na nagbaril sa sarili matapos makipagsayaw ang kasintahan niya sa ibang estudyante noong magdaos ng junior prom (Tubeza). Bukod dito, ilang kabataan ang nabubuyong magpakamatay sa pamamagitan ng kanilang mga kakulangang sosyal gaya ng pag-iisa, pagkamailap, kawalang-kaibigan, kawalan ng galing sa pakikipagkapwa, kawalang popularidad, hindi pagiging kabilang, kahihiyan sa harap ng mga barkada, katawagang siraulo, tanga o kakaiba, pasaway sa bahay, paaralan, batas o pagiging layas [isolation, withdrawal, friendlessness, lack of social skills, unpopularity, feelings of not belonging, embarrassment before peers, being labeled as µcrazy¶ , µstupid¶ or µdifferent¶, in trouble at home, school, with the law or being a runaway]´ (Hicap, 9). Maaari ring maging sanhi ng pagpapakamatay ang mga kaguluhan gaya ng hirap sa pagharap sa oryentasyong sekswal at imaheng pangkatawan at suliranin sa pagkain. Ilang pangkapaligirang salik ang maaari ring magpataas ng panganib ng pagpapakamatay gaya ng tangkang pagpapatiwakal ng miyembro ng pamilya o kaibigan, karahasan sa pamilya, suliranin sa paaralan, abusong sekswal o malaking pagbabagong pampamilya (Hicap, 9). Nagdudulot ang mga salik na ito sa damdamin ng kalungkutan, pagkagulumihanan, pagpapadalus-dalos, kahinaan, pagkawala, hinagpis, pag-iisa, mababang morale, galit, pagkakasala, kawalang-pag-asa, pagiging kawawa at pag-aalala na sa sobrang lala ay walang maisip na ibang gawin sa buhay malibang wakasan ito. Ipinapakita ng estadistika na 64 porsiyento ng mga biktima ng pagpapakamatay mula 10 hanggang 24 taon ang gumamagamit ng baril para tapusin ang balak (Cuenca), kaya nga ang di-nababantayang baril sa loob ng bahay ay malaking panganib. Inihayag ni Dr. Valentin del Fonso Garcia ng Philippine Mental Health Association na mas delikado ang mga babaeng tin-edyer na magbalak magpakamatay kaysa lalakeng tinedyer, ngunit mas nagtatagumpay sa balak ang mga lalake nang tatlo o apat na beses kaysa mga babae dahil mas determinado silang gawin iyon at gamit ang mas nakamamatay na mga pamamaraan. Nagtatangka namang saktan o patayin ng mga babae ang kanilang sarili sa pamamagitan ng labis na gamot na nainom o paglalaslas (Jara-Puyod). Sa kabila ng lahat ng mapanganib na mga salik na ito para sa mapagtangkang magpakamatay at nauusong pagpapatiwakal sa mga kabataan, nakaaalarma na kakaunti ang nakaaalam ng ganitong krisis, at para sa mga nakaaalam, ay maaring hindi kayang tumugon nang tama sa pangangailangan ng nagpapakamatay na mga kabataan. Sinabi ni Senador Santiago sa isang panayam kay Laparan na matapos ang pagpapatiwakal ng kanyang anak, hindi tinatratong seryoso at masidhi ang nauusong pagpapakamatay sa Pilipinas dahil ³normal ngunit kalunus-lunos na dahil sa mga gawi ng kultura, ilang tao ang naiisip na dapat supilin ang pagpapatiwakal at hindi dapat inaamin. Kaya nga, bilang epekto, umiiral ang lipunan sa mapayapang katahimikan na mayroong ganitong pangyayari na nakarating sa ating dalampasigan at maaring mas delikado kaysa AIDS dahil naapektuhan nito ang mga kabataan«[³[n]ormally, yet unfortunately, because of cultural norms, some people still think that suicide should be hushed up and should never be admitted. So, in effect, the society is living in blissful ignorance that there is such a phenomenon that has already reached our shores and that it can be deadlier than A I DS because it hits the young people«].´ (Laparan) Matapos ang pagpapakamatay ng kanyang anak, hinimok ni Santiago si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na lumikha ng Youth Suicide Prevention Center, na naglalayong iayon sa hubog ng National Youth Service Prevention Center, ngunit hindi pa aprubado ang pakiusap niya. Samantala, patuloy na umaakyat ang bahagdan ng pagpapatiwakal sa mga kabataang Filipino dahil maraming tin-edyer ang hindi makapagpakita ng damdamin at kaisipan nila habang nalilito ang mga magulang, miyembro ng pamilya at mga mahal nila sa buhay kung paano tatratuhin ang ganitong krisis. Totoong may tawag ng pagkilos: ang pagpokus sa ganitong isyu lalo na ang gobyerno na siyang may gawaing resolbahin ang kasalukuyang pangangailangan at suliranin ng mga mamamayan. Pagbangon ng National Center for Suicide Prevention Naipakita ng mga datos pang-estadistika na lumobo sa huling mga taon ang pagpapatiwakal sa mga kabataan. Gayunpaman, nabubuhay sa pagbubulag-bulagan ang lipunan at hindi kinukunsidera na ang pagpapatiwakal ay kailangang tumanggap ng pambansang atensyon at pag-aalaala ng publiko. Kung
mayroon mang National Center for Suicide Prevention in the Philippines na siyang magtataguyod ng kampanya para sa kaalaman, matatawagan, at propesyonal na panggagamot, magiging malay ang mga kabataang Filipino hinggil sa pagpapatiwakal at kaugnay na resulta, na siyang siguradong maghihila sa umaakyat na bilang ng pagpapakamatay sa bansa. Pangunahing programa ng National Center for Suicide Prevention ang pamamahagi ng kaalaman upang magpunla ng pag-unlad at kamalayan sa mga kabataang Filipino. Itinuturing ang paaralan na isa sa mga mahahalagang institusyon sa bansa sapagkat maraming natututunan ang kabataan dito. Hinuhubog ng mga guro ang mga mag-aaral upang maging mahusay sa pang-akademikong larangan kahit pa nga kakaunting paaralan lamang ang mga paaralang nagsasama ng Pilosopiya bilang bahagi ng kanilang kurikulum. Samakatuwid, dapat bumuo ang Center ng maraming diskusyon sa kampus upang mapaalalahanan ang mga estudyante hinggil sa ilan sa mga salik, sanhi at hudyat na senyales ng pagpapatiwakal. Maaaring psychiatrist o sikolohista ang tagapagsalita o dating mapagpatiwakal na taong makapagsasalaysay ng kanyang personal na karanasan upang maliwanagan ang isipan ng mga kabataanna nagmumuni-muni upang magpatiwakal na. Marapat na makapagtalakayan sila ng mga pamamaraan upang tulungan ang mga mapagpatiwakal, na may napagsasabihang mapagkakatiwalaan dahil ang pagmumuni-muni ng pagpapatiwakal ay isang bagay na hindi dapat inililihim ( Chua, 5). Dapat magpakita ang mga kamag-anakan at kaibigang nakapapansin ng depresyon at nasang magpatiwakal ng pag-unawa at magmungkahi ng tulong propesyonal para sa nagugulumihanang tin-edyer. Dapat makapagbigay ng suporta sa mapagpatiwakal ang napagsasabihan o ang medikong propesyonal dahil nakararamdam siya ng ginhawa kung may pagtangkilik at pagsimpatiya sa kanya. Maliban sa mga awtoridad ng paaralan, dapat na magpa-seminar ang mga grupong simbahan at samahang pangkalakalan hinggil sa mga panganib ng pagpapatiwakal at ang ibubunga ng ganitong padalus-dalos na aksyon. Dapat na maging malay sila sa kasidhian ng suliranin dahil ayon kay G. Philip Chua, manunulat ng Malaya, ³nagpapakita ang estadistikong kinalap mula 1952 hanggang 1992 sa Estados Unidos na ang kabataang pagpapatiwakal sa mga nagkakaedad ng 15-19 taon ay naging triple (386 porsiyento ang itinaas sa nakaraang 40 taon). Pangatlo sa pinakamabagsik na dahilan ng kamatayan ang kabataang pagpapatiwakal sa grupong 15-24 taon, na bumubuo ng 13.7 porsiyento sa lahat ng kamatayan. {[s]tatistics gathered between 1952 and 1992 in the United States show adolescent suicide among those 15-19 years of age has tripled (386 percent increase the past 40 ye ars). Adolescent suicide is the third lead ing cause of death in the 15-24 age groups, accounting for 13.7 percent of all deaths.} (5)´ At dahil marami nang naiulat na kaso ng pagpapatiwakal dito sa Pilipinas, tila ba sumusunod sa yapak ng Amerika ang Pilipinas kung dami ng pagpapakamatay ang pag-uusapan. Tamang oportunidad ang magpaseminar para matulungan ang mga kabataang nalilito at napapagod upang maayos nila ang kanilang buhay dangan at makapagbibigayan sila ng mga kalituhan at nakaantabay ang mga kaugnay habang tuluy-tuloy ang usapan. Bilang bahagi ng programa sa pagpapakalat ng impormasyon, dapat na maglagay ang mga trabahador ng Center ng mga paskil, pakalat at websites na may nakaeengganyong katotohanan, estadistika at datos hinggil sa pagpapatiwakal. Gagawin ito upang matawag ang pansin ng taong inosente sa pag-iral ng suliranin sa pagpapatiwakal at inaasahang tutulong magpigil ng paglago ng mga kaso ng pagpapakamatay. Ibinatay ito sa Yellow Ribbon Suicide Prevention Program na nakatulong na sa libu-libong kabataang walang pag-asa, walang tumutulong at walang kasiguruhan. Mayroon si lang website kung saan matatawagan sila ng mga tao at gumawa sila ng mga paskil at pabigay upang paangatin ang kamalayan ng mga tao tungkol sa kanilang mga programa upang malaman ng mga nagbabalak magpapatiwakal kanino hihingi ng tulong. Dagdag pa rito, maraming isipang madaling mabuyo ang naiimpluwensiyahan ng midya, kung kaya hindi matatawaran ang sektor na ito sa proseso ng pagpapakalat ng impormasyon. Gamay ang mga kabataan sa maraming uri nito at ilan sa kanila ang komportableng patnubay ang midya. Samakatuwid, isa sa maaaring gawin ng Center ang makiusap sa midya upang bawasan ang kontrobersya sa pagpapatiwakal at dahas para lamang maakit ang mga manonood. Dapat itigil ang pagluluwalhati ng pagpapatiwakal sa mga telebisyon, diyaryo at radyo dahil ³nagtutulak ito para sa mga sensitibong tin-edyer para isakatuparan ang naiisip at planong pagpapakamatay [it can serve as a trigger for vulnerable adolescents to act on suicidal thoughts and plans]´ (Chua, 5). Tinatawag itong ³cluster suicides´ o ³contagion suicides´ dahil sa maraming bilang ng nagpapakamatay na maiuugnay sa mga kuwento ng pagpapatiwakal sa mass midya. Halimbawa, tumalon si Yukiko Okada, pnarangalan bilang pinakamagaling na bagitong mang-aawit ng Hapon, mula sa ikapitong
palapag ng kanyang pinagrekordang istudyo. Napakatindi ng atensyon ng midya na sa sumunod na 16 na araw, 33 kabataan ang pinatay ang kanilang sarili, 21 rito ang tumalon mula sa gusali. Ilang kanta naman ang rumarahuyong magpatiwakal, gaya ng ³Suicide Solution´ ni Ozzy Osbourne. May isang linya rito na nagsasabing, ³sapagkat nararamdaman mong nabubuhay ka sa kasinungalingan«wala kang tataguan, pagpapatiwakal ang tanging paraan [µcause you feel like you¶re living a lie«where to hide, suicide is the only way out].´ Sa kabila ng linya ng kantang ito, hindi dapat ituring na sagot sa suliranin ang pagpapakamatay dahil literal nitong sinisira ang buhay ng isang tao. Kung gayon, hindi dapat ginagawang kontrobersyal ng midya ang pagpapatiwakal, luwalhatiin ang biktima, o palitawing magandang karanasan ang pagpapakamatay o mabisang gamit para maisakatuparan ang personal na mithiin dahil aakalain ng mga kabataang tama ang sinasabi ng midya. Isa sa nakagaganyak na paraan para pagsama-samahin ang mga ito ang pagdaraos ng isang taunang aktibidad, isang fundraising concert na magpapalaganap ng pagpigil sa pagpapatiwakal, kaalaman at suporta. Maaari itong isang pagdiriwang gaya ng Pandaigdigang Araw ng A IDS na inaalaala tuwing Disyembre 1 para matutunan ang mga nakasisirang epekto ng sakit na ito at pagtibayin ang paglaban dito. Noong 2003, magkatuwang na idineklara ng World Health Organization at International Association of Suicide Prevention ang Setyembre 10 bilang Pandaigdigang Araw ng Pagpigil sa Pagpapatiwakal (Center for Suicide Prevention). Layunin ng araw na ito na magdaos ng mga aktibidad na magpapaangat ng kamalayan ng publiko hinggil sa pagpapatiwakal at ipaalam sa mga kabataang hindi ito ang wastong solusyon sa lahat ng kanilang problema dahil maraming epektibo at di-masakit na alternatibo gaya ng paghingi ng payo at pagpapagamot. Magkagayunman, nananatiling hindi nasasabihan ang mga kabataan. Ilang ang hindi pa alam na umiiral ito, kaya praktikal ang konsyerto para isagawa ang pagpapalaganap. Maaring tumulong ang ilang artista ng midya gaya ni Kyla o ng South Border, na magagamit ang kanilang talento para magpaabot ng mensahe at bawasan ang bahagdan ng kabtaang nagpapakamatay sa Pilipinas. Tungkol sa pagpapayo sa mga kabataan ang konsyerto upang kumilos sila para mapigil ang pagpapatiwakal sa bansa. Bukod sa programang pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng iba¶t-ibang proyekto, magsisilbi ang National Center for Suicide Prevention bilang klinikang puwedeng dalawin, bisitahin at pagtanungan ng propesyonal na tulong ng mga tao. Sa buong araw, mag-aalok ng libreng serbisyo sa pagtawag ang klinikang ito, kung saan ilang sinanay na boluntaryo o psychotherapist ang aagapay sa mga mapagpakamatay. Kung naiisip ng boluntaryo na kailangang basahing mabuti ang suliranin o kung naiisip ng tumawag na kulang ang hotline para ilabas ang kanyang saloobin, maaaring ikonekta ng tagatanggap sa isang propesyonal na manggagamot ang tumawag upang mabigyan siya ng sesyon ng gamutan. Maglalaan ang Center ng linya para sa pagpigil ng pagpapatiwakal kung saan may ilang tagatanggap na mamamahala sa mga tawag. Magsisilbi itong libreng bigay-payo para sa lahat ng may suliraning mapagpatiwakal at kanilang pinagtitiwalaan, pamilya at kaibigan upang mapayuhan sila at malaman ang gagawin sa mga minamahal sa buhay na ib ig magpakamatay. Samakatuwid, kung kailangan ng isang tao na magsalita tungkol sa kanyang saloobin, maaari niyang tawagan ang numero ng hotline at makasigurong maaalagaan, makakapaniguro at matutulungan siya. Ayon kay Schneidman, patnugot ng librong Essays in Self-Destruction, may limang hakbang na kailangan para magamot ang mapagpatiwakal na pasyente: (1) Pagbuo ng relasyon²pagpanatili ng kontak at pagkuha ng impormasyon; (2) Pagkilala ng at pokus sa sentro ng suliranin; (3) Pagtataya ng potensyal sa pagpapakamatay; (4) Pagtataya sa mga kagamitan at pagpapakilos ng panlabas na kagamitan; at (5) pormulasyon at pag-uumpisa ng planong panggagamot. (388) Kung sinagot ng sinanay na boluntaryo o psychotheprapist ang tawag mula sa biktimang mapagpakamatay, kailangan niyang lumikha ng matibay at positibong relasyon sa kanyang pasyente para magtagumpay ang panggagamot. Kailangang mag-alok ng pag-asa at tulong ang manggagawa at tanggapin nang buung-buo ang kanyang pasyente at mga problema nito. Pagkatapos, kailangang makakuha ang manggagawa ng ilang impormasyon tungkol sa pamilya nito, mga kaibigan at kapaligiran upang makilala ang ugat ng suliranin at mataya ang potensyal ng pagpapakamatay. Pinakalayunin ng manggagawang panatilihing buhay ang kausap, upang mataya ang potensyal ng pagpapatiwakal ng tumatawag base sa kanyang gulang at kasarian, balak na pagpapakamatay, kaguluhan, sintomas, kagamitan, karakteristikong pagkilos, pakikipagtalastasan, reaksyon ng mga minamahal sa buhay, katayuang pangmedikal, at dating ugali ng pagpapatiwakal. Matapos ituring ang lahat na impormasyong nakalap mula sa tumatawag, magtataya ang manggagawa ng pormulasyon ng planong
pamamahala. Responsible ang manggagawa sa pagdetermina kung ang tumatawag ay ilalapit sa psychiatrist, psychiatric na ospital o klinika, o bibigyangpayo sa telepono. Kung ang pasyente ay nangangailangang masuring mabuti, rekomendado ang pakikipagtipang gamutan sa isang propesyonal na psychiatrist. Isang tamang hakbang ang gamutan sa isang hotline dahil magbibigay ito ng direktang relasyon sa pagitan ng tumatawag o pasyente at manggagawa o manggagamot. Dapat itong magbalik ng larawan ng kaayusan, upang tulungan ang pasyente at ang kanyang pamilya at mga kaibigang muling makapagkontrol, at buuing muli ang sitwasyon upang mas malinaw itong makita at mas tamang aksyon ang isasagawa. Kailangang kumonsulta ang isang mapagpatiwakal sa isang makatutulong na magaling na psychiatrist dahil ang huli ay makaaalam ng sakit ng isang pasyente at kung paano gumagana ang kanyang katawan at utak (Nichols, 15). Higit pa ito sa isang pagpapayo sapagkat hindi lamang kakausapin, sesermunan o pagpapayuhan ang pasyente; manapa, bibigyan siya ng preskripsyon ng gamot para sa mas mabuting kalusugang pangkaisipan at pangdamdamin. Maraming tao ang magsasabi sa isang pasyente na humingi ng tulong ng espesyalista dahil ang paghingi ng tulong propersyonal ang pinakamahusay na desisyong magagawa para gumaling sa sakit. Gaya ng unang hakbang sa gamutan, magbubuo muna ng ugnayan ang espeyalista at pasyente upang maging kumportable ang pasyente sa pagsisiwalat ng kanyang suliranin at upang matulungan naman ng espesyalista ang pasyente sa kanyang alalahanin. Mabisa ang ugnayang gamutan at pagkakaibigan para magtagumpay ang gamutan at dapat na ipagpatuloy (Rudd, Joiner and Rajab, 12). Dapat na mabigkis ang ugnayan ng dalawa at pagkakaibigan sa isa¶t isa upang magtiwala at dumepende ang pasyente sa espesyalista at upang ang huli ay patuloy na mag-aruga sa una hanggang ito ay hindi na muling magbalak magpakamatay. Dapat na aktibo, alerto at marunong ang espesyalista upang magawa ang lahat para matulungang maiahon ang biktima sa kanyang mahirap na sitwasyon at panahon sa buhay. Isang halimbawa ng kaguluhan ang depresyon na dapat mabasa sapagkat ang hotline ay hindi sapat para makatulong sa kanya. Sanhi ng sakit sa isip ang 95% ng lahat ng pagtatangkang magpakamatay; depresyon ito at kulang ang pakikipag-usap sa telepono kasama ang kaibigan o mahal sa buhay sapagkat nakararamdam sila ng paghihirap at kawalang pag-asa sa isang sitwasyon na hindi basta-basta matugunan. Samakatuwid, kailangang magmungkahi ang espesyalistang uminom ng mga gamot pang-alis ng depresyon ang pasyente. Doble ang tsansa ng paggaling ng pasyente sa loob ng isang buwan sa paggamit ng partikular na gamot pantanggal-depresyon (Aboede, 28). Maidagdag pa, kailangang tratuhin sa isang propesyonal na gamutan ang mga sakit sa isip. Upang matulungan ang mapagpatiwakal at kanilang kamag-anak, kailangang mapunan ng iba¶t ibang materyales ang Center sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na pananaliksik sa mga tendensya ng pagpapakamatay ng bawat indibidwal. Nag-iiba-iba ang tendensya ng pagpapakamatay ng magkakaibang gulang. Dapat na mag-sarbey at isaayos ang estadistikang makakalap upang maihanda ng Center ang mga impormasyong kailangan sa gamutan ng mga pasyente. Dapat na maihanda ang mga impormasyong kakailanganin sa pagtaya ng potensyal sa pagpapakamatay. Kakayanan ito ng isang pasyente na wakasan ang kanyang buhay at magkakaiba ang tendensyang ito sa bawat tao. Halimbawa, mas maigting ang pagpapakamatay ng mga naninigarilyo kaysa hindi naninigarilyo. Dulot ng maraming salik ang pagpapakamatay. Malawak ang mga dahilang ito, mula depresyon o lubhang pagdurusa. Nitong huli, kasama na sa mga salik ang paaralan, tulad ng kaso ni Alexander Santiago na pinatay ang sarili matapos lumagpak sa pagsusulit para makapasok sana sa isang nangungunang pamantasan. Gawain ng Center na makiuso sa mga gawi at teknolohiya upang malaman ang mga posibleng dahilan ng pagpapakamatay sa hinaharap. Ilan ang nagsasaad na hindi isang pagpili ang pagpapakamatay. Pinapatay ng ilang tao ang kanilang sarili dahil nakararanas sila ng dusang hindi nila makayanan. Posibleng bumaba ang tumataas na bilang ng kabataang pagpapakamatay kung makaimbento ng pang-alis-sakit, na maaring sa porma ng gamot, bagay o makinang makapagpapaginhawa sa pagdurusa ng biktima, at makapagpapagaling sa kanya. Pagtuligsa Inaasahang Sinusuportahan ng pananaliksik ang mga inilaang solusyon para sa suliraning inilarawan ngunit maaaring tuligsain ang pagtatayo ng National Center for Suicide Prevetion sa Pilipinas ay walang bentahe dahil mahirap na bansa ito at kasalukuyang may krisis-pang-ekonomiya. Saan naman kukuha ang bansa ng perang pampatayo ng ganitong institusyon? Dahil masidhing problema ang pagpapatiwakal at dapat na matugunan agad, dapat na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa paglikha ng ganitong Center. Maaaring
maraming mapanira ang magsasabing dapat unahin ng gobyerno ang mas mabibigat na isyu. Subalit paano makakayang tumunganga ng isang bansa at mga lider nito samantalang nangamamatay ang mga kabataan at wala silang magawang solusyon dito? Itinuturing ng Estados Unidos na masidhing isyu ang pagpapatiwakal ng mga kabataan kaya nagbangon ito ng National Center for Suicide Prevention. Dapat na tularan ng Pilipinas ang nasabing prinsipyo. Maaari ngang hindi mapera ang Pilipinas para balikatin ang buong badyet para sa mungkahi kumpara sa Estados Unidos, ngunit puwede namang papag-isahin ang mga pribadong sektor ng mga negosyante o non-government organization na nakatuon na ang pansin sa kalusugan at edukasyon ng mga kabataang Filipino. Samantalang marami nang samahang nag-iilak para paunlarin ang mga pag-asa ng bayan, ngunit wala pang Center kung saan magtatagpu-tagpo silang lahat at mamamahala sa pagpigil at pagtrato ng mga mapagpakamatay. Hindi dapat pabayaan ang mga mamamayan ng bansang ito. Habang may mga mamamayang gustong tugunan ang ganitong krisis, kulang ang kanilang oportunidad para tumulong. Sa pagtatayo ng National Center for Suicide Prevention, makagagawa ng pondo ang mga mamamayang ito na maipantutustos sa mga partikular na proyektong pinaniniwalaan nila. Karaniwang pamilya o mahal sa buhay ng mga biktima ang mga mamamayang ito. Ang binanggit na programang Yellow Ribbon Suicide Prevention na itinayo sa Estados Unidos ay ibinangon ng isang nagluluksang inang ang anak ay nagpakamatay. Puno ng hangaring mapigil ang ibang kabataan sa paggawa ng parehong pagkakamali at maiwasan ng ibang pamilya ang mapait na karanasan, nangampanya ang inang ito para mapalawak ang kaalaman at kasidhian ng pagpapatiwakal sa mga kabataan. Isa sa mga isinulong na solusyon para paangatin ang kamalayang Pilipino sa lumulobong mga kaso ng pagpapakamatay ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga kumperensyang pampaaralan. Isa sa mga pagtuligsa ang kawalan ng epekto sa pagpapalaganap ng pagpigil ng kabataang pagpapatiwakal dahil magrereklamo ang mga estudyante na masyado silang abala para dumalo at makinig sa nakababagot at inutil na diskusyon. Iminungkahi ni Santiago na ikompromiso ang mga estudyante sa mga kursong etika at pilosopiyang moral, upang malaman at mabigyang-kahulugan ang depinisyon at kahalagahan ng buhay. Isa ang Ateneo de Manila University sa mga paaralang kasama ang pilosopiya at etika sa buod ng kurikulum. Malaki ang bentahe ng pagdalo ng mga estudyante sa mga klase sa pilosopiyang nag-uudyok sa kanilang pakinggan ang mga pagtitipon para sa pagpigil ng pagpapakamatay sa pagbibigay ng sapat na oras para madaluhan ito; sa parehong paraang sapat ang oras para daluhan ng mga estudyante ang mga dula para sa mga klase ng Ingles at Panitikan, pagdalo ng pabasa ng tula, usapang kalakalan, oryentasyon, seminar at partisipasyon sa usapan sa kalinisang pangkatawan, usapan sa karera at pagpili ng dalubhasaan para sa programa ng patnubay sa hayskul. Integral sana ang usapang kampus sa mga kurikulum, at para mamintina ang interes ng nakikinig, dapat na masinsin ngunit malaman upang maganyak ang mga magaaral na makinig at makiisa, mataya ang kausuhan ng pagpapatiwakal sa Pilipinas at gumawa ng aksyon hinggil dito. Isa pang mungkahi ang pagkontrol ng pagluluwalhati ng pagpapakamatay sa telebisyon, pelikula at musika. Subalit tutuligsain ng mga kritiko na hindi mapipigilan ang midya sa pagpapakontrobersyal ng pagpapatiwakal at dahas dahil makaaapekto ito sa kanilang bahagdan ng manonood. Ang lantarang pagpapakita ba ng pagpapakamatay at dahas ang tanging paraan ng midya upang mahalin ng kanilang manonood? Bukod dito, may mga sensor na para sa mga programang pantelebisyon at pelikula na itinuturing na hindi maayos at imoral para sa madaling mahubog na murang kaisipan. Naisyuhan ng mga babala ang mga artistang sina Regine Velasquez ar Zsa Zsa Padilla dahi l sa pagsusuot ng seksing mga damit na naglalabas ng bahagi ng kanilang dibdib. Ilang programa sa ABS-CBN ang nasuspinde gaya ng Victim ni Carlos Agassi dahil sa mga kasiraang mental at emosyonal sa ibang tao. Dahil may pundasyon na ang mga sensor sa telebisyon, palalawakin na lamang nito ang panunuri upang maisama ang mga palabas na nagaangat ng tendensya ng pagpapatiwakal at dahas sa mga kabataang Filipino. May masidhing pangangailangang paliitan ang kontrobersya sa midya dahil sa lumalaking bahagdan ng ³cluster suicides´ na resulta sa mga kabataang madaling marahuyo ng mga imahen at musikang nadarama nila. Bukod sa pagpapanipis ng pagluluwalhati ng pagpapakamatay, maaaring magamit ng pamahalaan at Center ang midya sa pagpapalaganap ng mga proyekto at kaugnay na impormasyon nito. Kaugnay ng serbisyong hotline, maaaring tuligsain ang p agiging impersonal nito dahil h indi magkaharap ang magkausap, taliwas sa pagbisita sa isang espesyalista na makasasaksi sa lahat ng emosyon, pakiramdam at asta ng pasyente. Dagdag pa, mas may kontrol at maigigiya ng tumatawag ang proseso ng gamutan kung gugustuhin niya dahil puwede niyang putulin ang panayam bilang reaksyon sa kagustuhang putulin ang tawag. Kahit pa maging totoo ito, ipinapakita ng estadistika na mahigit 95 porsiyento ng mga kaso sa
Suicide Prevention Center sa Los Angeles ang ginawa muna sa pamamagitan ng kontak sa telepono. Sa 50 porsiyento ng mga tawag, kumokontak muna ang mismong pasyente at ang iba ay isinasagawa ng ibang tao (Shneidman, 387). Pinapatunayan nito na epektibo ang suicide prevention hotline dahil mataas ang bilang na ito ng mga tumatawag na may tendensiyang magpakamatay. Isang suliraning kakaharapin ng hotlines ang mas malaking tulong na magagawa ng pakikipagkita ng pasyente sa isang espesyalista kaysa simpleng pakiipag-usap lamang dito. Kung ang pangangailangang tumawag ay masyadong impersonal, maaaring hindi na muling kumontak ang pasyente. Samakatuwid, dapat imungkahi ng sinanay na boluntaryo na tumawag muli ang pasyente at sabihing walang dapat ikahiya sa paghingi ng tulong. Kung hindi ito gagana, makaaagapay ang mga taong pinagtitiwalaan ng pasyente, pamilya at kaibigan sa pagkonsulta sa tulong propesyonal na inilalaan ng hotlines. Isama pa rito, ano ang mangyayari kung walang pera ang biktima at kailangang suriin siya sa pamamagitan ng propesyonal na gamutan? Saan siya hahagilap ng pambayad sa psychotherapist na tutulong sa kanya sa kanyang mga tendensya? Hindi naman lahat ng gamutan ay mahal. Maari siyang kumunsulta sa mura dahil ang mahusay na gamutan ay hindi depende sa dami ng pambayad kundi sa kasanayan ng boluntaryo o propesyonal. Kung wala pa rin siyang sapat na pera para rito, maaari siyang humanap ng tutulong magbayad dahil marami namang mababait na taong bukas sa loob na magbayad para sa kapus-palad. Pagpapababa ng Pagpapatiwakal ng kabataang Filipino Malinaw na umabot na sa nakatitigatig na yugto ang bahagdan ng pagpapakamatay ng mga kabataan sa Pilipinas. Tila may dalawang uri ng reaksyon para sa ganitong partikular na eksena: may ilang taong sumusubok maging µdi-kasangkot at manatiling walang pakialam sa lumalaking bilang ng kabataang pagpapakamatay, samantalang tumutulong ang iba ngunit walang ideya kung paano pumalaot sa proseso. Kailangan ngang magbangon ng National Center for Suicide Prevention. Magbibigay ang Center ng impormasyon at pagtataya ng mga istratehiya para mapigilan ang pagpapatiwakal, ng libreng serbisyong hotline at propesyonal na gamutang magpapanipis ng lumalalang pagpapakamatay sa mga kabataang Filipino. Ipapalaganap ang mga impormasyon tungkol sa mga dusang nakaaapekto sa pagpapatiwakal o mga senyales at sintomas ng isang nagbabalak magpakamatay sa mga usapan sa paaralan, seminar, konsyerto, paskil sa midya, at opisyal na website. Magsisilbing klinika rin ang Center, kung saan maihahandog sa nangangailangan ang propesyonal na gamutan at tulong. Magtatayo at magsasagawa ng hotlines kung saan may mga manggagawang may karanasan sa pamamahala sa larangan ng pagpapakamatay ang handang umagapay. Dahil ang mga gawi at salik ng pagpapakamatay ay nag-iiba-iba at tumitimpla sa panahon, mahalagang mabigyan ang National Center for Suicide Prevention ng mga bagong impormasyon na posible lamang kung may patuloy na pananaliksik gawa ng mga miyembro ng mamamahalang samahan sa Center. Nilalayon ng Center na tulungan ang mga taong apektado at µdi apektado sa lumalalang kaso ng mga k abataang nagpapakamatay sa Pilipinas. Bibigyan ang mga Fi lipinong kabataang dumudulog sa Center ng mahalaga at propesyonal na atensyon sa pamamagitan ng iba¶t-ibang pasilidad gaya ng panggagamot, website at tatawagang kontak numero. May mga grupo at indibidwal ding walang magawa kung paano makikisangkot sa laban ng mga kabataang pagpapakamatay, na matutulungan ng Center sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong impormasyon tungkol sa ganitong mga kaso. Sa presensya ng National Center upang ikalat at ipaalam sa tao ang kasagsagan ng sitwasyon ng mga nagpapakamatay, maiisip ng mga walang pakialam na makisangkot sa laban dahil ang pagkaubos ng batang populasyon ng bansa ay makaaapekto sa kanila sa kalaunan. Kinakailangan ng pakikipagtulungan ng bawat isa upang mapababa ang bilang ng mga kabataang nagpapakamatay. Totoo ngang nakapaghahandog ng kinakailangang impormasyon, panggagamot at serbisyo ang pagtatayo ng National Center for Suicide Prevention para sa lahat ng tin-edyer at kabataan at kani-kanilang pamilya hanggang ang pag-uso ng pagpapatiwakal ng k abataan sa Pilipinas ay bumaba nang tuluyan
1| Pahina
³Bagong
USOk sa mga Kabataan´
DELA CRUZ, John Kevin Kim, FELICIANO, Mary Bernadeth, FLORES, Graciella Vicenta, LLANERA, Daniel Kevin, at RAMOS, Karlo Gabriel mula sa 1-9, College of Nursing sa Patnubay ni Gng. Zendel Rosario Manaois-Taruc Panimula
Sa
panahon ngayon, hindi maitatangging tunay na laganap na ang paninigarilyo sa Pilipinas. Kung inyong mapapansin, tila bawat sulok ng ating bansa ay pinupugaran ng mga nagbebenta at gumagamit ng sigarilyo. Mapaartista man o propesyunal, drayber o kahit ang mismong mga doktor at nars sa mga ospital ay kabilang sa populasyong ito. Kahit na ang mga mahihirap o tambay na ginagapang na lamang ang kanilang pang-araw-araw na kakainin ay maaaring malakas ding manigarilyo. Dahil dito, hindi na nakapagtataka pa kung tutularan ng kabataan ang ganitong gawain. Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga nangungunang isyung patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito. Dagdag pa rito ang kaalamang dumarami at tila pabata pa nang pabata ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang ganitong paglaganap kahit na marami ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at isinasakatuparan upang labanan o di kaya naman ay mabawasan ang paglaganap ng gawaing ito.Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay atensyon sa mga karanasan ng mga batang Pilipinong naninigarilyo. Kabilang na rito ang kanilang mga dahilan at pananaw ukol sa paninigarilyo pati na rin ang pagbabagong naidulot nito sa kanilang pamumuhay. Nakapaloob din dito ang ilang mga suhestyon sa pagtigil o pagbabawas ng paninigarilyo. Layunin Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin: paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga kabataang Pilipino kaugnay sa paninigarilyo; pagtatala ng mga karaniwang dahilan at salik na nakaaapekto sa desisyon ng kabataan na manigarilyo at mga karaniwang epekto ng paninigarilyo lalo na kung bata pa lamang ay nasimulan na ang ganitong bisyo; at pagbibigay ng ilang mga mungkahi at solusyon upang makatulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo. I. Mga Kaugnay na Babasahin o Literatura A. Kalagayan ng Paninigarilyo ng Kabataan sa Pilipinas Laganap na sa ating lipunan ngayon ang mga batang naninigarilyo. Nakalahad dito ang ilang istadistika at impormasyon tungkol sa mga batang naninigarilyo sa Pilipinas: y
20%
ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 1 0 pababa. (Miguel-Baquilod, M., NEC,
Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (Global Youth Tobacco Organization at Center for Disease Control and Prevention, 2007) Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (WHO, 2002) y
Survey
2001)
ng World Health
y
Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyo na. (CDC-MMWR, 2003) Isa sa walong estudyante na may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago ang edad na 1 0. (CDC-MMWR, 2003) May mas malaking posibilidad na manigarilyo ang mga batang lalaki kaysa sa mga babae. (CDC-MMWR, 2003) Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. (FCAP) y y
y y
y
62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan. (CDC-MMWR, 2005)
UNIBERSIDADNGSANTOTOMAS Kolehiyo ng Narsing Akademikong Taon 2008-2009
2|
Pahina
Ang mga bata na malapit sa kanilang mga magulang ay may mas mababang posibilidad na manigarilyo. ( Teen Tobacco Epidemic in Asia, 2004) Sa mga susunod na bahagi ng pag-aaral na ito ay ipapakita ang ilang mga dahilan kung bakit y
mahirap tanggalin sa ating lipunan ang bisyong ito. B. Mga Salik at Dahilan ng Paninigarilyo ng Kabataang Pilipino Sa bawat batang naninigarilyo ay mayroong kwento sa likod nito. Pare-pareho man silang nagumpisang manigarilyo sa murang edad, iba-iba pa rin ang kani-kanilang mga dahilan. Ilan sa mga dahilan o salik na nakaaapekto sa kanilang desisyong manigarilyo ay ang mga sumusunod: Estado o kalagayan sa buhay, paninigarilyo ng magulang, kapatid, at iba pang kamag-anak, kakulangan ng patnubay ng magulang sa paglaki, peer pressure, kahinaan ng loob sa pagharap sa mga problema, pampalipas oras (relaxation or to relieve stress) at ang availability at murang presyo ng sigarilyo. (J. S. Ahluwalia, K. Resnicow, at W. S. Clark. 1998) Hindi nililimita sa mga nakalista sa itaas ang mga maaring dahilan o salik sa paninigarilyo ng kabataan, sapagkat ang desisyong manigarilyo ay sadyang sabdyektibo. C. Mga Nilalaman ng Sigarilyo na Nakaaapekto sa Kalusugan ng Gumagamit Ang isang sigarilyo ay binubuo ng iba't ibang kemikal na ginagamit sa pang araw araw na buhay sa pormang insecticide (Nicotine), ginagamit sa lason (Arsenic) hanggang sa mga kilalang kemikal na nakapagsisimula ng kanser. Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing nakasisira sa kalusugan ng sino mang naninigarilyo: ( www.50plushealth.co.uk at http://www.bloodindex.org/content_cigarette.php ) Nicotine Ito ay isang insecticide at herbicide na nakalalason sa nervous system ng isang tao. Ito ang pangunahing nakadudulot ng adiksyon sa naninigarilyo. Pinaparalisa nito ang mga muscles of respiration o paghinga kapag ito ay kinonsumo nang higit sa kaya ng ating katawan. Ang taong makalalanghap ng nicotine ay makakaramdam ng pagkairita, pagkagutom at pagbaba ng konsentrasyon. Ang nicotine na may mahinang konsentrasyon ay isang stimulant na nakapagpapahusay ng kaisipan, konsentrasyon at memorya ng isang tao (helpwithsmoking.com). Ito ay isang droga na nakapagpapataas ng bahagdan ng dami ng Dopamine, isang neurotransmitter na may kaugnayan sa sensation ng sarap at saya, sa ating katawan. Ito ang dahilan kung kaya nakadarama ng sensation ng pagka-relax ang mga gumagamit nito. Ang nicotine din ay nakakapagpahina ng gana kumain kaya naman ang mga kababaihan na gumagamit nito ay nahihirapan tumigil sapagkat sila'y nangangamba na bigla silang tataba sa paghinto nila nito. Kahit na kaunting nicotine lang ang pumapasok sa loob ng katawan, may kakayahan pa rin ito na gawing nicotine dependent ang sinumang gumamit kaya naman napakahirap para sa kanila ang huminto sa paninigarilyo. Ang mga taong naadik dito ay nakararanas ng mga tinatawag na withdrawal symptoms tulad ng pagkahilo, pagkagalit, at lubos na kalungkutan sa tuwing sinusubukan nilang ihinto ito. Tar Ito ay isa sa mga nagdudulot ng kanser sa mga naninigarilyo. 95% ng insidente ng lung cancer ay nag-uugat sa pagkalanghap ng tar. Kapag sumobra ang exposure sa kemikal na ito, naninigarilyo man o hindi ay magkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga. Carbon Monoxide Pinapalitan nito ang oxygen sa katawan na makasasama sa kalusugan ng tao; mauubusan ang supply ng oxygen sa buong katawan na magdudulot ng pagkahina ng mga ugat at tissue na kapag hindi nabigyan ng sapat na hangin ay mamamatay hanggang ang indibidwal ay mamamatay rin. Ito rin ay nagdudulot ng pagsikip ng mga daluyan ng y
y
y
dugo na dahilan ng mga komplikasyon sa puso.
Karamihan sa mga kemikal ng sigarilyo ay tinatawag na irritants. Sinisira nito ang mga sinasabing cilia o filter ng ating respiratory system hanggang sa puntong hindi na maaaring linisin ang anumang hangin na pumapasok dito. Dahil dito, makararanas ang gumagamit ng matinding pag-ubo, kahirapan sa paghinga, hanggang sa pagkasira ng baga. Sinasabing umaabot sa 4 000 ang mga 3| Pahina irritants sa isang sigarilyo at lahat ng iyon ay nalalanghap, hindi lamang ng gumagamit kundi pati na rin ang mga tao sa kanyang paligid. D. Mga Epekto ng Paninigarilyo Alam nating maraming masasamang epekto ang paninigarilyo sa ating populasyon. Ngunit, bakit nga ba patuloy pa rin ang paglaganap nito hanggang sa kasalukuyan? Isa sa pinakamahalagang dahilan ay ang tinatatawag na peer pressure kung saan naiimpluwensyahang manigarilyo ang isang bata ng kanyang mga kaibigan dahilan sa kagustuhang makisama sa mga ito (helpwithsmoking.com). Ang ilan naman ay nagsasabi na ito ay nakapagbibigay ng relaxing sensation, ngunit sa katunayan ay nagdudulot ito ng ganitong pakiramdam dahil may iba pang ginagawa ang tao na nakapagpapa- relax habang naninigarilyo tulad ng pag-upo, pakikipagkwentuhan, atbp. (helpwithsmoking.com). Ang ilan naman ay nagsasabi na ang paninigarilyo ay nakatutulong mag-isip. Ito ay nakapagbibigay ng bagay (ang sigarilyo) para pagtuunan ng ating kumpletong atensyon at samakatuwid nakakatulong sa ating konsentrasyon (Dichter 1947), ngunit ito ay maituturing lamang na sekondaryang epekto. Ang ilang nabanggit na mga psychological na epekto ng paninigarilyo ay hindi nangyayari sa lahat sapagkat nasa isip lang ito ng gumagamit. Bagamat sinasabi ng ilan na nakakatulong ito sa kanila, kaakibat naman nito ang mga pinsalang matatamo sa paggamit nito at hindi ito matutumbasan ng mga nabanggit na mabuting epekto. Ang pinakakilalang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao ay ang pagiging mas vulnerable sa sakit (Martin, 2008). Ilan sa mga sakit na maaaring makuha sa paninigarilyo ay ang kanser sa baga at ilang mga komplikasyon sa puso. Maaari rin itong magresulta sa abnormal na panganganak sa mga naninigarilyong kababaihan (www.prolife.org.ph). Ito rin ay maaaring makasira sa itsura ng isang tao tulad ng paninilaw ng labi at mga daliri pati na rin ang pagkasira ng ngipin, at pagbaho ng katawan (Clarke, 1 986). Nasisira din ang reputasyon ng mga gumagamit nito sapagkat ang kultura natin ay mayroong negatibong pananaw sa mga naninigarilyo (www.prolife.org.ph). Ang patuloy na paninigarilyo ay maaaring magdulot ng adiksyon, kung saan sa patuloy na paggamit ng sigarilyo ay unti-unti silang sumasalalay dito ( Salazar, 2007). Ang mga taong naadik dito, lalo na ang mga mahihirap, ay maaaring magkaroon ng dagdag na gastos na siya namang magdudulot ng dagdag na
kahirapan (Mahonev, 2003). Siyam sa bawat sampung naninigarilyo ay may kaalaman sa mga bantang ito subalit patuloy pa rin silang naninigarilyo (Pazzibugan, 2008). E. Paano Mababawasan ang Paninigarilyo ng Kabataang Pilipino? 1. Paano Pipigilin? Ang mga magulang ay may pinakamalaking impluwensya sa kanilang mga anak. Ang mga bata ay natututo sa panggagaya sa kanilang mga nakikita, partikular sa mga gawain ng kanilang mga magulang. Dahil dito, napakaimportanteng magsilbing mabuting modelo ang mga magulang at patnubayan ang mga anak habang sila ay lumalaki. Ang mga sumusunod ay mga pahayag ni Scott, S.,L.P.C.,L.M.F.T. na tungkol sa ilan sa mga maaaring gawin ng mga magulang upang maiwasan na matutong manigarilyo ang kani-kanilang anak: maging isang mabuting modelo sa anak; kung ayaw ninyo silang manigarilyo, siguraduhing kayo mismo ay hindi naninigarilyo; turuan at ipaalam sa anak ang mga hindi mabuting epekto ng paninigarilyo tulad ng mga sakit na maidudulot nito, mga masasayang na pera at ang kasamaang dulot nito sa kalikasan; maging vocal sa pagsulong ng isang smoke-free environment . Halimbawa, sa bahay, siguraduhing walang mga sigarilyo at ashtrays; sa tuwing kayo ay kakain sa labas, imungkahi sa restawran na magsadya ng mas malaking espasyo para sa non-smoking area kaysa sa mga smoking areas; magreklamo sa mga kompanya ng tobacco na ang kanilang mga advertisements ay hindi kaaya-ayang makita ng mga batang nasa murang edad; at turuan ang mga anak na manindigan sa mga prinsipyo lalo na kapag nariyan na ang salik na peer pressure. Laging tatandaan na timbangin ang masama at mabuti sa bawat desisyon na gagawin. Hindi kailangang magkaroon ng ganitong uri ng bisyo para lang maging in o maging cool . 4| Pahina 2. Paano tigilan ang paninigarilyo? Si Proctor (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan upang matigil ang paninigarilyo: panindigan ang desisyong pagtigil sa paninigarilyo; pangalagaan ang pangangatawan: sikaping matulog ng walong oras, uminom ng walong baso ng tubig, kumain ng masusustansyang pagkain at magehersisyo; lantarang ipahayag ang pagkagusto at ang nararamdamang tuwa dahil ikaw na ngayon ay tobacco-free; kapag inalok ka ng sigarilyo, manindigan na tumanggi rito. Maghanap ng mga taong susuporta sa iyo (mga kaibigan at pamilya); tanungin ang sarili kung ang paninigarilyo ba ay nakatutulong sa mga responsibilidad mo sa buhay; at magtala ng datos kung ilang beses mo naramdaman sa isang araw na kagustuhang manigarilyo. 3. Para sa mga kaibigan na nais tulungan ang kaibigan tumigil sa paninigarilyo Si Ferguson (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan: huwag pagalitan o pagbantaan ang kaibigan. Sa ganitong paraan, makonsensya man ang kaibigang naninigarilyo, gugustuhin niya pa ring humithit ng sigarilyo para hindi na makonsensya pa. Ito ay nagtutulak pa sa kanya sa paninigarilyo; huwag isiping iisa ang paninigarilyo at ang nagsisigarilyo. Isipin pa rin natin na ang naninigarilyo ay tao pa rin at may damdamin. Subukang lumagay sa kinaroroonan ng kaibigang naninigarilyo upang maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman; huwag pagsabihan ang kaibigan kung ano ang dapat nilang gawin; sabihan ang kaibigan na gawin niya kung ano ang tingin niyang pinakamakabubuti para sa kanya; mag-alok sa kaibigan ng ilang mga maaring gawin katulad ng sports upang mapalitan nito ang paninigarilyo; purihin ang kaibigan sa bawat pagtanggi o pagpigil sa sariling manigarilyo.
II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral Sa
pangangalap ng mga datos, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng panayam sa apat na respondente. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang audio recorder upang mabalikan ang mga panayam sa panahon ng kanilang pagsulat. Ang unang nagbahagi ng kanyang karanasan sa
paninigarilyo ay isang estudyante sa ikaapat na taon sa isang pampublikong hayskul. Tawagin na lamang natin siyang ³Juan´. Ang ikalawa naman ay isang kapus-palad na pagala-gala sa Quiapo at Sampaloc. Ilihim na lamang natin ang kanyang katauhan sa pangalang ³Donald´. Ang ikatlo ay isang 17 taong gulang na estudyante ng nursing. Itago na lamang natin siya sa alyas na ³Bobby´. Ang huling nakapanayam ay isang limampu¶t isang taong gulang na construction manager na nagsimulang manigarilyo noong siya ay labing tatlong taong gulang pa lamang. Itago na lamang natin siya sa pangalang ³Ace´. Habang kinakapanayam ang mga respondente, mapapansin na ang kanilang mga dahilan sa paninigarilyo ay magkakaugnay sa isa¶t isa. Ayon kay Alhuwalia et al., isa sa mga pangunahing dahilan ay ang impluwensya ng mga kapamilya lalo na ang mga magulang. Ayon pa nga sa isang istadistika ng FCAP, ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. Sa aming panayam kay Ace, nabanggit niya na ang kanyang ina at mga kapatid ay naninigarilyo. Nang tanungin kung naging impluwensya ba ang kanyang ina, sagot niya, ³Siguro indirectly influenced, kasi nakikita ko siya noong bata ako... kaya noong alukin ako ng mga friends ko, hindi na ako nag-hesitate.´
Dagdag pa rito ang karanasan din ni Bobby na ang kanyang nakatatandang kapatid naman ay naninigarilyo rin kahit na may asthma pa siya. Ihiningi niya rin ng permiso ang kanyang paninigarilyo sa kanyang magulang bago siya sumubok nito. Sa kaso naman ni Juan, alam ng kanyang ama na siya ay naninigarilyo, ngunit sabi lamang sa kanya, ³« pag free time mo lang gawin.´
Ito ang mga patunay na ang pamilya ay ang pangunahing impluwensya sa mga kabataan, lalo na sa mga Pilipino. Maaaring dahilan nito ay ang close family ties o malapit na samahan ng pamilyang Pilipino na bahagi na ng ating kultura. Dahil dito, hindi malayong mangyari na gayahin ng mga anak ang kanilang mga magulang o kapatid na naninigarilyo. Dagdag pa rito ang nabubuong 5| Pahina pananaw sa kanilang isipan na tila karaniwan ang bisyong paninigarilyo. Kahit na maraming magulang, naninigarilyo man o hindi, ay naniniwalang may masamang epekto ang paninigarilyo, hindi lahat ay pagbabawalan ang kanilang mga anak na manigarilyo tulad sa sitwasyon nina Ace, Bobby at Juan. Tulad ng inilathala ni Scott, ang mga magulang ay dapat maging isang mabuting modelo sa anak; kung ayaw ninyo silang manigarilyo, siguraduhing kayo mismo ay hindi naninigarilyo. Isa rin sa kanyang mga suhestiyon ay turuan at ipaalam sa anak ang mga hindi mabuting epekto ng paninigarilyo tulad ng mga sakit na maidudulot nito, mga masasayang na pera at kasamaan na dulot sa kalikasan. Iilan lamang ito sa mga maaring gawin ng mga magulang upang mapatigil o iwasan ang
pagsimula ng paninigarilyo ng kanilang mga anak. Subalit kahit maayos man ang pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak, marami pa rin silang makikilalang maaring makaimpluwensya sa kanilang mga desisyon. Isa na rito ang kanilang mga kaibigan o peers. Tulad ng nabanggit ni Bobby sa aming panayam, mas madalas siyang manigarilyo kapag nakakasama niya ang kanyang mga kaibigan ngunit kapag weekends daw ay mas kaunti ang kanyang nakokonsumong sigarilyo. Samantalang kapag may pagdiriwang naman, ayon sa kanya, ³Minsan tatlong tao kami, nakaakaubos kami ng tatlong pack.´ Sa kaso naman ni Juan, ang mga kaibigan niya ang
nagturo sa kanya manigarilyo. Halos lahat sa kanyang mga kaklase ay nagsimulang manigarilyo noong sila ay nasa ikalawang taon pa lamang ng hayskul. Tulad din ni Juan, si Ace ay natutong manigarilyo dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan sa seminaryo. Ganoon din naman ang nangyari sa kaso ni Donald. Natuto siyang manigarilyo sa pang-uudyok ng kanyang mga nakasamang kapus-palad. Nakwento pa nga niya na ³Una, sabi sa akin, lunukin ko µyung usok kaso umubo-ubo ako.´
Dito mapatutunayan na hindi lahat ng mga kaibigan ay magtuturo sa atin ng kabutihan tulad ng mga binansagang bad influence o B.I . Kaya dapat ay piliin nang mabuti ang mga kaibigan at kung maaari ay ikaw ang mang-impluwensya ng kabutihan sa kanila. Ayon nga kay Ferguson (1 996), bilang mga kaibigan, maaari tayong makatulong sa kaibigang naninigarilyo upang sila ay mapatigil sa ganitong bisyo. Inilahad niya ang ilang paraan tulad ng mga sumusunod: subukang lumagay sa kinaroroonan ng kaibigang naninigarilyo upang maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman; huwag pagsabihan ang kaibigan kung ano ang dapat nilang gawin; sabihan ang kaibigan na gawin niya kung ano ang tingin niyang pinakamakabubuti para sa kanya; mag-alok sa kaibigan ng ilang mga maaring gawin katulad ng sports upang mapalitan nito ang paninigarilyo; at, purihin ang kaibigan sa bawat pagtanggi o pagpigil sa sariling manigarilyo. Dagdag pa sa inilathala ni Alhuwalia et al. na mga salik o dahilan sa paninigarilyo ay ang kahinaan ng loob sa gitna ng problema. Nangunguna na rito ang problema sa pamilya. Nang tinanong namin si Juan kung bakit siya nagsimulang manigarilyo ay sabi niya, ³Pampalipas lang po ng problema´
at dagdag pa rito ay nang tinanong ay kung ano ang mga problemang iyon ³pamilya ko po...nagkakagulo´. Sa pag usad ng pakikipanayam
ay nalaman namin na hiwalay ang kanyang magulang at paminsan minsan niya lamang nakikita ang kanyang tatay samantalang hindi na niya nakikita ang kanyang nanay. Si Donald naman ay, ayon sa kanya, kadalasang ginugulpi ng kanyang tatay at stepmother . Aniya, ³ Father ko at stepmother ko po, masyado nila ako inaalila...tatay ko po, sinisisi po ako sa pagkamatay ng nanay ko´. Sabi pa niya ay hindi siya inaasikaso ng kanyang madrasta. Nang lumayas, ay hinanap siya ng
kanyang tatay upang parusahan, ³Hinahanap lang po nila ako para bugbugin´
ang kanyang nabanggit. Mahalin ng mga magulang ang mga anak kahit na ano pa man sila.
Patnubayan sila lalo na¶t sila¶y mga bata pa lamang. Kausapin sila at turuan ng mga mabubuting asal ng sa gayon ay mawala ang posibilidad na sila¶y maglayas. Sabihin sa kanila na hindi solusyon ang pagbibisyo, tulad ng paninigarilyo, sa paglutas ng problema sapagkat sa pagamit nito ay mas lalo pa nilang daragdagan ang problema kapag sila¶y nagkasakit. 6| Pahina Isa pa sa mga salik na nabanggit ni Alhuwalia et al. ay sa paggamit ng sigarilyo ay nakapagdudulot ito ng sinasabing relaxing effect na minsan ay kahalintulad sa addicting effect . Ayon kay Juan, sa paninigarilyo ay nawawala ang kanyang problema sa kadahilanang nakapopokus siya sa lasa ng sigarilyo. Isa ito sa epekto ng paninigarilyo kung saan nagsisilbi ang sigarilyo bilang bagay na mapagtutuunan ng pansin para mawala sa kasalukuyan ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan (Dichter, 1 947). Sabi naman ni Donald, ay itinuturing na niya raw itong dessert. ³Feel na feel ko manigarilyo pagkatapos kong kumain´,
kanyang sinabi. Isa naman ito sa epekto ng nicotine kung saan nakakapagpawala ito ng busog o gana pagkatapos kumain kaya naman ginagawa itong bagay na pangpawala ng umay (helpwithsmoking.com). Ayon naman kay Bobby, sa kanyang paninigarilyo ay naaaliw siya sa apoy at nakakawala ng kaba at antok. Ito ay maihahantulad sa dahilan ni Juan manigarilyo kung saan ang sigarilyo ay nagiging isang bagay na ginagamit upang maiba ang pinagtutuunan niya ng pansin (Dichter, 1947). Sa kasong ito, nababaling sa apoy ang kanyang pansin kaysa sa problema o ibang gawain. Kaya naman nawawala ang kaba ni Bobby ay dahil ang sigarilyo ay isang kilalang stimulant na nakakapagpagising sa utak (helpwithsmoking.com) Sa mga dahilang inilahad, nakapagtataka kung bakit hirap pa rin tumigil ang mga nainigarilyo. Karamihan sa kanila ay hindi naaalarma sa mga masasamang epekto ng bisyong ito. Tulad na lamang ng nabanggit ni Ace, ³Ang importante maayos yung buhay mo, maayos yung mga anak mo, yung pakikitungo mo sa kapwa mo... I am ready to face the consequences of [smoking], just as I am ready to be taken by God.´ Sabi naman ni Bobby paminsan minsan ay pansamantala rin naman siyang humihinto sa
paninigarilyo, lalo na kapag sumasama ang kanyang pakiramdam. Handa rin siya sa mga maaaring mangyari sa kanya sa hinaharap. Hindi rin naman niya ninanais mabuhay nang matagal at umabot pa sa punto na siya ay aalagaan pa ng iba. Sa kaso naman ni Donald ay sinusubukan niya ring bawasan ang kanyang paninigarilyo dahil hindi na rin maganda ang kanyang pakiramdam ngunit nahihirapan siyang tuluyang tanggalin ang paninigarilyo sa kanyang sistema.
III.
A. Kongklusyon Sa pagtatapos ng papel na ito, napagtanto ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: una, masasaksihan sa panahon ngayon na dumarami at pabata nang pabata ang mga kabataang nagsisimulang manigarilyo; ikalawa, kahit sabdyektib ang desisyong manigarilyo, mayroon pa ring
mga dahilang magkakapareho tulad ng pamilya, kaibigan, problema at paniniwala sa buhay na nakapag-uudyok na magsimulang manigarilyo; ikatlo, iba-iba man ang mga dahilan ng mga naninigarilyo, iisa lamang ang kanilang kahihinatnan, sapagkat pare-pareho lamang ang nilalaman ng sigarilyo. Halos lahat ng mga epekto nito ay nararamdaman ng naninigarilyo, maaaring magkaiba lamang sila sa paraan nang pagtanggap dito. B. Rekomendasyon Upang malutasan ang lumalalang isyu ng paninigarilyo sa mga kabataan, dapat pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod: una, iminumungkahi ng mga manunulat na pagtibayin ang patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na habang sila ay bata pa lamang. Maging mabuting modelo sa mga anak; huwag hayaang sa mga magulang mismo mapulot ng mga anak ang mga hindi magagandang gawain. Ikalawa, maging mabuting impluwensya sa mga kaibigan. Ang pagiging mabuting kaibigan ay nangangahulugang hindi mo hahayaang ituloy ng iyong kaibigan ang kanyang ginagawang hindi maganda; dapat pa nga ay ikaw ang isa sa mga unang magpapatigil sa iyong kaibigan imbis na sabayan mo pa siya sa bisyong ito. Ikatlo, mahalin at pahalagahan ang sarili, ibang mga tao at ang kapaligiran. Isipin nang mabuti kung makasasama ba o makabubuti sa iyo at sa iba ang paninigarilyo. Larawan:
ang panayam kay
Ace 7|
Pahina Para sa kaso ni Juan, payo ng mga manunulat na harapin niya ang kanyang mga problema. Hindi makatutulong ang paninigarilyo sa paglutas ng mga ito. Sa halip, makadudulot pa ito ng ibang problema sa hinaharap. Hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali. Dapat nating tandaan na ang ating pamilya ay laging nariyan para sa atin at handang tumulong sa paglutas ng ating problema. Napagtanto namin na nakabubuti ang ginagawa ni Donald, na pagbaling ng kanyang oras sa paglalaro imbis na manigarilyo. Lalo na sa kalagayan ng kanyang buhay na isang kahig isang tuka, iminumungkahi naming disiplinahin niya ang kanyang sarili. Unahin ang pangunahing pangangailangan bago ang kanyang bisyo. Ipinapayo kay Bobby na maging totoo sa sarili; kung gusto niya talagang tumigil, panindigan niya ito. Hindi kailangang makibagay sa gawain ng mga kaibigan para siya ay tanggapin nila. Kung ganito ang sitwasyon, hindi sila tunay at mabubuting kaibigan. Dahil nabanggit ni Ace na ang mahalaga naman ay ang pakikipagkapwa at pag-aalaga sa pamilya, bakit hindi na lamang niya alagaan ang sarili upang mapagpatuloy pa niya ang pagsasabuhay at pagbabahagi ng ganitong paniniwala. MGASANGGUNIAN: Ahluwalia, J., Resnicow, K., Clark, W. (1998). E thnicity and Disease Journal: Article: pp.385-393, Volume 8, Issue 3 (October 1998). Nakuha noong Disyembre 2009 sa http://atp.allenpress.com/perlserv/?request=getabstract& doi=10.1043%2F1049-510x.(1998)008% 5B0385%3AKASRES %5D2.3L0%3B2&ct=1 BloodIndex. Nakuha noong January 2009 sa http://www.bloodindex.org/content_cigarette.php Dichter, E. (1947). Why Do We Smoke Cigarettes?. Nakuha noong Enero
sa http://smokingsides.com/docs/ whysmoke.html Emer. (2008). T eenage Smoking in the Philippines. Nakuha noong Disyembre 2009 sa http://emeritus.blogspot.com/2008 /01/teenage-smoking-inphilippines. html How to Stop Smoking . Philippine Publishing House, Manila, Philippines. (1996) Clarke, D. (1996). Why I Smoke. How to Stop Smoking , 7. Ferguson, T. (1996). Helping A Friend Quit. How to Stop Smoking , 1011. Proctor, S. (1996). How T o Stop Smoking. How to Stop Smoking , 14-15. Scott, S. (1996). Helping Children Resist. How to Stop Smoking , 12-13. Mahonev, K. (2003). Facts About Smoking for T een Christians. Nakuha noong Disyambre 2008 sa http://christianteens.about.com/od/advice/a/SmokingFacts.com Martin, T.. (2008 ). Smoking Facts for Parent and T eens, T he Dangers of Secondhand Smoke and More. Nakuha noong Enero 2009 sa http://quitsmoking.about.com/od/teensmoking/a/teensmokefacts.htm Pazzibugan, D. (2008 ). Women smokers in RP getting younger. Nakuha noong Disyembre 2008 sa http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20081204176137/Women-smokers-in-RP-getting-younger Salazar, T. (2007). Will new Smoking pill work?. Philippine Daily Inquirer (October 6, 2007 ) Smoking - Cigarette Contents. (2004). Nakuha noong January 2009 sa http://www.50plushealth.co.uk/index.cfm? articleid=922&ArticleAction=print Smoking: Straight T alk for T eenagers. Nakuha noong Nobyembre 2008 sa http://www.prolife.org.ph/page/teen_touch10 T obacco Use Among Students Aged 13-15 Years --- Philippines, 2000 and 2003. (2005) Nakuha noong Disyembre 2008 sa http:// www.cdc.gov/mmwr/preview/mmwrhtml/mm5404a3.htm Why do people smoke - reasons why people start and continue to smoke. Nakuha noong Enero 2009 sa http://www.helpwithsmoking. c om/why-people-smoke.php World Health Organization. Nakuha noong Disyembre 2008 sa http://www.wpro.who.int/media_centre/fact_sheets/fs_ 20050528.htm 2009
epektong sikolohikal ng stress sa mgamagaaral KABANATA IANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1.Introduksyon Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang pagkahapo a y lalo ring nagingkapansin-pansin. Ang pagkahapo o stress ay isang bagay na hindi mahihiwalay sa buhayng tao. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos araw-araw. Nararanasan ito kahitsaan man tayo magtungo. Madalas itong nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ngmga taong nag-aaral. Nararanasan din ito ng mga taong mayroong problema sa pamilyaat iba pang mga personal na suliranin. May mga ibat ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo. Maaaring hinde komportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito aymaaaring masaya naman para sa iba. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri atsanhi ng pagkahapo na nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapatnating tuklasin ang mga sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo. Sa pag-aaral namay pamagat na Ibat Ibang Pamamaraan ng Pagkontrol ng Pagkahapo ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Nursing, masusingtatalakayin ang pagkahapo sa buhay ng mga mag-aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito angmga naidudulot ng pagkahapo sa kani-kanilang kalusugan at pamumuhay. Ang pag-aaralna ito ay tatalakayin rin ang mga ibat-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upangmabawasan ang pagkahapo at kung ano ang epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila.2. Layunin ng Pag-aaral Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mgamananaliksik na:1. Tukuyin kung ano ang karaniwang nakakapagdulot ng pagkahapo samga mag-aaral.2. Alamin kung ano ang epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral.3.Tukuyin ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo4. 4. Alamin kung gaano kaepektibo ang mga pamamaraan sa pagkontrol ng pagkahapo. 3. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upangalamin kung aling mga bagay ang nakakadulot sa pagiging hapo ng mga mag-aaral saUnibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsing at kung aling mga diskarte o paraanang kanilang ginagawa upang maibsan ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaringmakahanap ng mga mabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila mababawasanang pakiramdam ng pagiging hapo na siyang nagsisilbing balakid sa kanila upangmagawa nila ang kanilang mga gawain na puno ng kalidad. Makakapagbigaykaalaman din ang pamanahong papel na ito sa mga guro, propesor o mga magulang nagustong malaman kung paano nilang matutulungan ang kanilang mga estudyantet mgaanak upang mabawasan ang pakiramdam ng pagkahapo na siyang maaaring dahilan ngkanilang pagiging iritable, malungkutan o kayay paghina ng kanilang kalusugan.Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral sa unang taon ngUnibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing maaaring sabihin na naaangkop pa rinito sa ibat ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halos pareho lamang ang dinaranas na pagkahapo ng mga mag-aaral na ito na maaaring hatiin sa tatlong aspeto: sa personal na buhay, sa pag-aaral at sa kalusugan. Saklaw at Limitasyon Ang sakop ng pag-aaral ay ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo ngmag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsing.Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ngdatos. Animnapung mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsingang sumagot ng talatanungan. Inabot ng isang lingo ang pamimigay at pangongolekta ngdatos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga
respondante.Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ng pag-aaral. 5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas maunawaanng mga mamababasa ang pagaaral na ito, narito ang ilan sa mga terminilohiyang ginamitat ang mga angkop na kahulugan para rito: - Bawal na gamot mga uri ng gamot na hindi legal na ibinebenta sa merkado. Halimbawanito ay ecstasy; kemikal na nakakaapekto sa utak na nagdudulot ng ng pagbabago sa ugaliat kilos ng tao na kadlasa'y humahantong sa pagkalulong - Bisyo kaugaliang imoral, tiwali, o nakakapagpababa ng pagkatao - Disposisyon estado ng utak ukol sa mga bagay-bagay. - Emosyon ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot, pagmamahal, atbp.- Kaibigan isang tao na kapantay nito sa abilidad, edad, o social status - Kapaligiran ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa isang tao; isang lugar nanakapaligid sa isang tao o bagay. - Karamdaman ito ay ang estado ng pagkakaroon ng sakit resulta ng karamdamang pangangatawan o pang-isipan. - Karanasan ang pag-oobserba o pageengkwentro sa mga bagay-bagay habang ang mgaitoy nagaganap sa kurso ng oras. - Kontrol maehersisyo ang kontrol o pagbibigay ng direksyon sa iba o mga bagay:mangibabaw - Memorya ang kakayahan ng pag-iisip na alalahanin at panatilihin ang mgaimpormasyon, impresyon, pangyayari, mga nakaraang engkwentro, atbp - Simtomas isang senyales o indikasyon ng isang sakit, lalong-lalo na tuwing nakararanasang isang tao ng pagiba mula sa karaniwang gawi,pakiramdam, ohitsura. Stimulus -- isang bagay na maaaring magdulot ng madaliang pag-responde o kaya'y pakiramdam ahanan isang lugar kung saan nakatira an g isang pamilya. Dito maaring magkaroon nginterasyon ang mga myembro ng pamilya.- Trabaho anumang bagay na obligadong gawin ng isang tao; obligasyon; responsibilidadKABANATA IIMGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ang pagkahapo o stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay nararanasan ng bawatindibidwal, lalo na ng mga tao na nagtatrabaho at mga mag-aaral, sa magkakaibang antasat kadahilanan. Masasabing ang bagay na nagbibigay ng pagkahapo sa isang tao aymaaring hindi naman magdulot ng pagkahapo sa ibang tao. Bagkus, ang sanhi at uri ng pagkahapo na nararanasan ng bawat tao ay hindi magkakatulad. Kailangan nating magingmapanuri upang lubos nating maunawaan kung ano nga ba ang pagkahapo. PagkahapoA. Ano ang pagkahapo? Ang pakahapo o stress ay anumang sitwasyon na nagdudulot ngnegatibong pakiramdam at damdamin sa isang tao. Ang isang sitwasyon ay maaringmaging kahapohapo sa isang tao, ngunit hindi para sa isa pa. Bagkus, hindi lahat ng taoay nakakaranas ng iisang pakiramdam at damdamin kapag nahahapo. (Whitman et. al.1985) Ang pagkahapo ay tumutukoy sa kawalan ng balanse sa pagitan ng isang pinanghihinalaang pangangailangan at ang abilidad ng indibidwal na umaksyon dito.C. Sanhi at Salik na Nagdudulot ng Pagkahapo Maraming sanhi ang stress at ito aymagka-iba sa iba-ibang indibidwal. Ang iyong itinuturing na nakahahapo ay depende rinsa maraming mga dahilan kabilang na ang iyong personalidad, abilidad sa paglutas ng problema at ang mga taong nariyan para sumoporta. Ang isang bagay na nakahahaposayo ay maaring nakatutuwa pala para sa iba. (Jaff-Gill et. al. 2007) Ayon sa Holmes-Rahe Life Stress Inventory, ito ang mga Unang Sampung nakahahapong pangyayari: 1.Pagkamatay ng Asawa 2. Diborsyo3. Paghihiwalay ng magasawa4. Pagkakulong 5.Pagkamatay ng isang malapit na kamag-anak 6. Karamdaman 7. Pag-aasawa 8.Pagkawala ng Trabaho 9. Pagkasa-ayos ng relasyong mag-asawa 10. Pagbitiw mula sa trabaho Mga karaniwang dahilan ng pagkahapo sa pag-aaral:Transisyon. Bawat taon ay isang transisyon sa iyong anak. Mga bagong guro, bagongsilid-aralan, at mga bagong inaasahan ay nakadaragdag sa pagkabalisa ng isang mag-aaral. Ang pagkabalisa ng isang mag-aaral ay nagsisimula sa unang araw ng
pasukan,ngunit hindi iyon nagtatapos doon. Ang pinakamatinding transisyon ay ang simula nghayskul. Ang mga mag-aaral ay pumupunta sa mga mas malalaking gusali atnakahaharap ng bagong kurikulum. Higit pa dito, palipat lipat sila ng silid-aralan atnakatatagpo ng mga bagong guro at sistema ng pagbigay ng grado. Ang mga mag-aaralna ito ay dumaranas ng masidhing hormonal at pisikal na pagbabago. Mga marka atreport kard. Para sa isang mag-aaral na nagpupunyagi sa pag-aaral, ang report kard aymaaaring magkumpirma ng pagkabuway. Kahit para sa magagaling na mag-aaral, ibigsabihin ng report kards ay maaaring hindi pagkamit ng mga layunin na kanilang itinalagasa kanilang sarili ang. Kadalasan, ang mga mag-aaral ay nagbibigay ng mabigat nadalahin sa kanilang sarili dahil sa mga simpleng takda sapagkat silay nag-aalala sakanilang mga marka. Mayroon silang pakiramdam na ang isang pagsusulit o sanaysay aysisira sa kanilang pagkakataon na makapasok sa isang magandang kolehiyo. (Britt, H.,1992) Mga Takdang-aralin at mga Proyekto. Minsan, kapag ang isang takdang-aralin ay masyadong mahirap, itoy ginagawa ng magulang. Ito ang isa sa pinakamalaking pagkakamali na magagawa ng isang magulang sapagkat ninanakaw nito angoportunidad ng bata na matuto. Ang pinakamalala, ito ay nakadaragdag sa pagkahapo.(Holmes, R., 1992) Peer Pressure. Ang mga kabataan ay desperadong makibahagi sa paaralan. Nakararamdam sila ng pagkahapo kapag silay hindi tanggap ng kanilang mgakamag-aral. (Britt, H., 1992) Ang Peer Pressure ay maimpluwensiya kahit sa mgaelementarya. Kadalasang nakararamdam ng kakapusan ang mga mag-aaral kapag silaywala sa uso. Halimbawa, 30 taon nakalilipas, nagsusuot ang mga tao ng damit na nasaloob ang tatak subalit ngayon, lahat ng tatak ay nasa labas. (Chase, C., 1992)Pagpapasaya sa magulang. Para sa mga nakararaming kabataan, ang pinakamalaking pagkahapo ay ang maging kasiya-siya sa kanilang mga magulang. Marami angnakakaalam na ang kanilang mga magulang ay may lubos na inaasahan sa kanila kayanaman silay natatakot bumagsak. Dala nila ito sa lahat ng kanilang mga gawain. Hindina nila sinusubukang gumwa ng ibang bagay sa takot na mabigo. (Egan, J., 1992) D.Epekto ng Pagkahapo sa Aspektong Sikolohikal ng Isang Mag-aaral Ang mga epekto sa pag-iisip ay ang kahirapan sa pag-iisip ng mabuti, pagiging makalimutin, kawalan ng pagiging malikhain at paggawa ng mga desisyon, at ang pagkawala ng kakayahangmakita ang bagay na nakakatawa. (Martiquet, n.d.) Ang pagkahapo ay nagdudulot sakatawan ng pananakit ng ulo, pananakit ng tyan at dibdib, pagtaas ng blood pressure at pagkakaroon ng problema sa pagtulog. Ayon sa pananaliksik, ang pagkahapo ay maaringmagdulot o magpalala sa ilang simptomas o karamdaman. (Chang, 2006). Ang pagkahapo sa paaralan ay mas malala ngayon kung ikukumpara noon. Sa sobrang tinding pagkahapo ng kabataan, minsan ito ay umaabot sa pagpapakamatay. Ayon saCapable Kids Counseling Centers, isang American teenager ay nagtatangkangmagpakamatay bawat 78 segundo. (Atkins, A., 1992) Ang kasalukuyang panahon natinatawag na Information Age ay nakadaragdag sa pagkahapo ng kabataan. Sakatunayan, ang pagkakaroon ng sobrang daming impormasyon ay maaaring gumulat samga bata and matatanda. (Durbin, K., 1992)Ang pagkahapo ay hindi lamang nagdudulotng pisikal na karamdaman, ito rin ay may masamang epekto sa mental na kalusugan.Habang nagtatagal, ito ay nagdudulot ng mental na problema,
tulad
ng:
pagkabalisakalungkutanproblema
sa
pagkain,
atpag-aabuso
ng
substansiya(Jaff-Gill et. al. 2007) Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa utak, particular na dito ay ang memorya, ngunit angepekto nito at nag-iiba depende kung ito ay acute o chronic. Epekto ng Acute Stress samemorya at konsentrasyon Ayon sa mga pag-aaral, ang agad-agad na epekto ng acutestress
ay ang pagbaba ng kalidad ng short-term memory, particular nito ang verbalmemory. Ang positibong epekto naman nito ay sa mataas na lebel ng stress hormone saacute stress ay inaasociate sa magandang memory storage and mataas na konsentrasyonsa mga importanteng pangyayari. Epekto ng Chronic Stress sa memorya Kung ang pagkahapo ay naging chronic, ang mga naapektohan nito ay nakararanas ng pagkawala ng konsentrasyon sa trabaho at bahay, at sila ay maaring mawalan ng silbi atmaging malapitin sa disgrasya. Sa kabataan, ang sikolohikal na epekto nito ay ang pagbaba ng kalidad ng pagkatuto. Ang chronic stress sa matatanda a y nakakadagdag samemory loss. (sanggunian: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm) Samantala, anganxiety o pagkabalisa ay mistulang naghahasik ng kaguluhan sa limbic system, isang bahagi sa ating utak na nagkokontrol sa ating mga emosyon. Isang parte ng limbic system na pinakaapektado ay ang amygdala. Ang amygdala ay kabilang sa pakikiramdam at sa pagresponde sa mga fear-evoking stimuli. (Sapolsky 2003)E. Epekto ng Pagkahapo sa Aspektong Pisikal ng Isang Mag-aaral Ang mga pisikal naepekto ng pagkahapo ay ang pagsakit ng ulo, pananakit ng tiyan, kahirapam sa pagtulog,masakit na likod at leeg, pagbilis na pagtakbo ng puso, at ang pakiramdam na walangkatahimikan o pahinga