PAG-AARAL SA PAKIKIPAGRELASYON NG MGA MAG-AARAL NA NASA UNANG TAON SA KOLEHIYO AT EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG PERFORMANS
Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte, Syensya, at Edukasyon, University of the Immaculate Conception
Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa, at Pagsulat Tungo sa Pananliksik
Cantomayor, Ivy Madonna G. - BEED Toyorada, Peter John T. - BSED Tacloban, Rayna P. - BSED
Marso, 2012
PASASALAMAT
Lubos kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta na kanilang ibinigay para sa pagtatagumpay ng aming pamanahong-papel:
•
Kay Gng. Lucia Escudero, ang pinakamamahal naming guro sa Filipino, sa masusing paggabay niya sa amin sa paggawa ng isang matagumpay na pamanahong-papel.
•
Sa aming mga respondente, na nagbahagi ng kanilang oras sa matapat na pagsagot sa aming inihandang kwestyoner.
•
Sa aming mga pamilya, sa pag-unawa sa mga araw na wala kami sa kanilang piling para lamang mapagtagumpayan at matapos ang pamanahong-papel, at higit sa lahat,
•
Sa Poong Maykapal, na kailan man ay hindi kami iniwan. Sa gabay at pag-asa na ibinigay niya sa amin sa oras na kami ay nahihirapan.
Muli, maraming maraming salamat po sa pagiging bahagi ninyo sa tagumpay ng pamanahong papel na ito.
Hanggang sa muli.
- Mga Mananaliksik
LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP
Grap 1:
Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Kanilang Kasarian
Grap 2:
Panahon na Nagsimulang Makipagrelasyon ang mga Respondente
Grap 3:
10
Mga Dahilan Kung Bakit Nakikipagrelasyon ang mga Respondente
Grap 7:
9
Pananaw ng mga Respondente sa Negatibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon
Grap 6:
8
Pananaw ng mga Respondente sa Positibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon
Grap 5:
8
Oras na Ginugugol ng mga Respondente para sa Isa’t-isa
Grap 4:
7
10
Pananaw ng mga Respondente sa Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Kanilang Pag-aaral
11
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito
1
1.
Introduksyon
1
2.
Layunin ng Pag-aaral
1
3.
Kahalaghan ng Pag-aaral
2
4.
Saklaw at Limitasyon
2
5.
Depinisyon ng Terminolohiya
3
Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literartura
4
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
5
1.
Disenyo ng Pananaliksik
5
2.
Mga Respondente
5
3.
Instrumentong Pampananaliksik
6
4.
Tritment ng mga Datos
6
Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
7
Kabanata V, Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
12
1.
Lagom
12
2.
Kongklusyon
12
3.
Rekomendasyon
13
Listahan ng Sanggunian
14
APENDIKS
A.
Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Pagsasarbey
15
B.
Sarbey-Kwestyoner
16
C.
Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong-Papel
18
D.
Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pasalitang Presentsyon
21
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Inroduksyon
Hindi maipagkakaila na marami sa mga kabataan o mga mag-aaral sa kolehiyo ang pumapasok na sa pakikipagrelasyon. Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999) lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga problema, mababahagian ng ating karanasan at makapagpahayag ng sariling opinyon. Marahil ay ang pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga kabataan para lubusan nilang makilala ang kanilang sarili at maipahayag ang sarili nilang damdamin.
2. Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay linaw sa mga dahilan ng pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Ito rin ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:
a.
Bakit maraming kabataan ang nakikipagrelasyon?
b.
Anu-ano ang mga positibo at negatibong dulot nito sa mga mag-aaral?
d.
Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral?
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ng pamanahong-papel na ito ay naniniwala na ang pagaaral na ito ay napakahalaa. Ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral na nasa kolehiyo nang sa ganoon ay mapabuti nila ang kanilang pag-aaral habang sila ay nakikipagrelasyon.
Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito dahil napakalaki ng maitutulong nito hindi lamang sa mga mag-aaral na kasalukuyang nakikipagrelasyon. Kundi pati narin sa mga ma-aaral na nagbabalak na pumasok sa isang relasyon.
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral ng kursong edukasyon hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga mag-aral na nasa unang taon sa kolehiyo at epekto nito sa akademikong performans.
Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo lamang na kumukuha ng kursong Edukasyon. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay pinakamainam na magkaroon ng pagaaral na ito upang masagot ang katanungan ng mga mag-aaral at ang miskonsepsyon ng mga tao tungkol sa pakikipagrelasyon habang nag-aaral pa lamang.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Upang mas maging madali antganap ang pakaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginagmit ang bawat isa sa pamanahong-papel.
Ang adolescence ay ang pagbibinata o ang pagdadalaga ng mga tao. Tumutukoy din ito sa kabataan at kasibulan.
Ang intimacy ay matalik na pagkakaibigan o pagkikilala; matapat na pagpapalagayang loob.
Ang romance ay pag-iibigan; pagmamahalan; romansa
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Marami nang mga dalubhasa ang nag-aral hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga kabataan. Sa kabilang banda, marami parin ang hindi nakakaunawa at nakakaintindi sa tunay nitong kahulugan at kung papaano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.
Marami sa atin ang nagkakaroon ng miskonsepsyon sa pakikipagrelasyon. Ayon kay Steinberg (2002) mahalaga na magkaroon ng distinksyon sa pagitan ng sexuality at intimacy kung ito ay ginagamit sa pag-aaral ng adolescence – kapag ginagamit sa
sekswal at pisikal na aspeto. Samakatuwid, ang intimate na pakikipagrelasyon ay isang emotional attachment sa pagitan ng dalawang tao na may pakialam sa isa’t-isa; willingness to disclose private and occasionally sensitive topics ; at ang pagkakaroon ng
parehong interes at mga paborito. Kung kaya ang dalawang indibidwal ay maaring magkaroon ng isang intimate relationship kahit na walang sekswal na ugnayan. Sa kabilang banda rin naman ay maari silang magkaroon ng sekswal na ugnayan kahit na walang intimate relationship .
Ang pakikipagrelasyon ay interaksyon din sa iyong kapwa na dapat pagbutihin. Ayon kay Avelino et al. (1996) may mga bagay na dapat gawin para magkaroon ng magandang pakikipagrelasyon. (1) kung wala kang magandang sasabihin sa iyong kasintahan, mabuting huwag ka nalang magsalita; (2) tuparin ang mga pangako; (3) purihin ang iyong kasintahan; (4) magkaroon ng interes sa iyong partner; (5) maging masayahin; (6) maging bukas sa mga posibilidad; (7) hayaan ang inyong sarili na sabihin ang tunay na nararamdaman; (8) huwag saktan kalianman ang iyong kasintahan ; (9) panatilihin ang pagiging malambing (10) maging palatawa.
Sa kabuuan, ang mga pag-aaral na nailahad ay nagsisilbing motibasyon sa pagsusumikap na mapabuti pa ang aming sariling pag-aaral.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa disenyo ng pamamaraang deskriptibanalitik na Pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pagaaral na ito ang pananaw ng mga nasa unang taon sa kolehiyo sa pakikipagrelasyon nila at ang epekto nito sa kanilang akademikong performans.
2. Mga Respondente
Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Ang mga respondente ay kumukuha ng kurso na Edukasyon ng kasalukuyang semester ng University of the Immaculate Conception.
Ang mga respondente ay nahahati sa dalawa batay sa kanilang kasarian. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay tatlumpu (30). Labing lima (15) sa kanila ay babae at labing lima (15) ay lalaki. Samakatuwid mayroong pantay na paghati sa mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Gumagamit ang mga mananaliksik ng random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ng bawat grupo. Pansinin
ang kasunod na talahanayan.
3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang Pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga sarbey-kwestyoner upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo sa pakikipagrelasyon at epekto nito sa akademikong performans.
Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik na mangalap ng impormasyon sa iba’t-ibang hanguan sa aklatan gaya ng libro at journal . Ang mga mananaliksik ay kumuha rin ng mga impormasyon sa internet.
4. Tritment ng mga Datos
Dahil ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag-aaral pa lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtamo ng isang digri, ay walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik.
KABANATA IV
PRESENTAS ON AT INTERPRETASYON NG MGA
ATOS
Natuklasan sa pag- aral na ito ang mga sumusunod na dato at impormasyon:
Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng mga responden e ayon sa kanilang kasarian. Sa tatlumpung (3 0) respondente, labing lima (15) sa kanil a ay babae at labing lima (15) sa kanila ay lalaki .
Grap 1 Distribusy on ng mga Respondente Batay sa Kasa ian 16 14 12 10 8 6 4 2 0 Babae
Lalaki
Sa tatlumpung (30) respondente, tatlo (3) sa kanila ang na sabing noong grade school sila nagsimulang
akipagrelasyon. Walo (8) naman sa k nila ang nagsabing
noong 1st - 2nd Year high s hool sila nagsimulang makipagrelasyon. Labing-apat (14) sa kanila ang nagsabing na simula silang makipagrelasyon noong 3rd – 4th year high school. At lima (5) naman sa kanila ang nagsabing sa kolehiyo na sila nagsimulang makipagrelasyon.
Grap 2 Panahon na Na simulang Makipagrelasyon ang mga Re pondente 16 14
14
12 10 8
8
6
5
4
3
2 0
Grade S hool 1st - 2nd Year H.S.3 rd - 4th Year H.S
Kolehi o
Sampu (10) sa tatlu pung respondente ang nagsabing hind i hihigit sa dalawang oras ang ginugugol nila sa kanilang mga karelasyon. Siyam (9) na
an ang nagsabi na
nasa tatlo hanggang lim ng oras lamang. Labing-isa (11) na an sa kanila ang gumugugol ng limang oras mahigit sa kanilang mga karelasyon.
Grap 3 Oras na Ginugugo l ng mga Respondente Para sa Kanilang Karelasyon
33%
37%
di hihigit sa 2 oras 3 -5 oras
30%
5 oras o higit pa
Ipinapakita sa grap
ang palagay ng mga respondente sa n idudulot na positibo
ng pakikipagrelasyon. Sa talumpung respondente, dalawamput-d lawa (22) sa kanila ang nagsabi na ito ay na dudulot ng inspirasyon. Lima (5) ang nagsabi na dahil sa kasiyahan habang sila ay
agkasama. Dalawa (2) ang nagsabi n mas nakikilala niya
ang kaniyang sarili ng
abuti. At isa (1) naman ang nagsa i na ito ay bilang
paghahanda o pundasyon ara sa kaniyang kinabukasan.
Grap 4 Pananaw ng mga Res ondente sa Positibong Naidudulot ng P kikipagrelasyon
25 20 15 10 5 0 Inspirasyon
Kasiyahan Habang Magkasama
Mas Nakikilala ang Sarili
Paghahanda sa Kinabukasan
Others
Sa tatlumpung (30) respondente, labing dalawa (12) sa ka nila ang nagsabi na distraksyon ang negatibon g dulot ng pakikipagrelasyon. Dalawa 2) naman sa kanila ang nagsabi na aksaya la ang ito ng panahon. Dalawa (2) rin an
nagsabi na dagdag
lamang ito sa gastos. A at (4) naman ang nagsabi na negati ong nababago ang kanilang pag-uugali. Anim (6) sa kanila ang nagsabi na ang p akikipagrelasyon ay walang negatibong naidud ulot sa kanila. At may apat (4) naman iba pang negatibong epekt ang pakikipagrelasyon.
a nagsasabing may
Grap 5 Pananaw ng mga Res ondente sa Negatibong Naidudulot ng P akikipagrelasyon
Others Wala g Negatibo Nababago ang aking Ugali Da dag Gastos Aksaya g Panahon istraksyon 0
2
4
6
8
10
12
Lima sa tatlumpung (30) respondente ang nagsabi na dah il sa udyok ng mga kaibigan ang dahilan ng k nilang pakikipagrelasyon. Walo (8) na an ang nagsabi na gusto lamang nila ng expe ience sa pakikipagrelasyon. Dalawa (2) ng nagsabi na dahil sa gwapo/maganda ang kanilang mga karelasyon. Walo (8 ) ang nagsabi na nagmamahalan sila ng tu nay. Apat (4) naman sa mga respond nte ang nagsabing excited sila makipag-sex.
t tatlo (3) sa kanila ang nagsabi na m ay iba pang dahilan
kung bakit nila naisipang p masok sa pakikipagrelasyon.
Grap 6 Mga Dahilan Ku g Bakit Nakikipagrelasyon ang mga Re pondente 9 8 7 6 5 4 3 2 1 0 Dahil sa Udyok Gusto ko l ng ng Kasi Nagmamahalan ng Kaibigan Experience Maganda/Gwapo Kami ng Tunay Siya
Excited Akong Makipa -sex
Others
Hinggil naman sa k ng paano nakakaapekto ang pakikipag elasyon sa kanilang pag-aaral, sampu sa kanil a ang nagsabi na nagkukulang ang ka nilang oras sa pagaaral. Tatlo ang nagsabi na may tumutulong sa kanila sa pa gawa nila ng mga assignments. Walo nama
ang nagsabi na matataas ang kanila g mga marka dahil
inspired sila. Anim ang nag sabi na ang kanilang pakikipagrelasyon ay walang epekto sa
kanilang pag-aaral. May tatlo naman na nagsabi na may ib
pang epekto ang
pakikipagrelasyon sa kanil ng pg-aaral.
Grap 7 Pananaw ng mga Respon ente sa Epekto ng Pakikipagrelasyon s
Kanilang Pag-aaral
12 10 8 6 4 2 0 Ngkukulang ng May Matataas ang Walang Epekto Oras sa Pag- tumutulong sa Marka dahil aaral Pgagawa ng Inspired Ako Assignments
Others
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin at pananaw ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Edukasyon hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga nasa unang taon sa kolehiyo at epekto nito sa akademikong performans. Ang mga mag-aaral na kasama sa pagsago ng sarbey ay kasalukuyang may mga karelasyon at nag-aaral sa University of the Immaculate Conception.
Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey-kwestyoner na pinasautan sa tatlumpung (30) mag-aaral. Labing lima sa kanila ang mga babae. At labing lima din ang mga lalaki na parehong nasa unang taon sa pagkuha ng kursong Edukasyon.
2. Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:
a.
Nakikipagrelasyon
ang
mga
mag-aaral
dahil
sila
ay
tunay
na
nagmamahalan at gusto nila ng experience na maari nilang magamit sa kanilang pagtahak sa landas na kanilang napili.
b.
Ang pakikipagrelasyon ay nagdudulot ng parehong positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo. Ito ay may malaking epekto sa kanilang pag-aaral.
c.
Ang positibong epekto ng pakikipagrelasyon sa mga mag-aaral ay ang pagkakaroon nila ng inspirasyon. Ang negatibo namang epekto ng pakikipagrelasyon ay ang distraksyon. Ngunit tiyak namang maiiwasan ang negatibong epekto nito kapag nabalanse ng dalawang tao ang kanilang sitwasyon.
d.
Ang epekto naman ng pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ay ang pagkukulang o kawalan ng sapat na oras para sa pagaaral.
3. Rekomendasyon
Kaugnay
ng
mga
kongklusyong
nabanggit,
buong
pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a.
Para sa mga mag-aaral
na kasalukuyang
nasa isang relasyon,
kinakailangan na maging maingat tayo sa bawat desisyon na ating ginagawa. Kung alam nating hindi magiging mabuting impluwensya ang ating mga karelasyon, kailangan na natin itong tapusin.
b.
Para naman sa mga wala pang karanasan sa pakikipagrelasyon, hindi ito malaking kawalan sa inyong pagkatao. Hindi ito magiging sukatan ng kaligayahan ng ating buhay.
c.
Para sa mga magulang, kahit na nasa wastong edad na ang ating mga anak, dapat nating tandaan na kinakailangan parin nila na magkaroon ng gabay na magtuturo sa kanila lalo na sa paghubog nila sa kanilang sarili.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
AKLAT
Bernales, Rolando A. et al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik. Malabon City, Philippines: Mutya Publishing House. 2009
Sizer-Webb, Frances et al. Health: Making Life Choices. Cincinnati: West Educational Publishing, 1999.
Avelino, Soledad et al. Personality Development and Human Relations. Manila, Philippines: Rex Printing Co. Inc., 1996. Steinberg, Laurence. Adolescence: 6 th Edition. Boston: The McGraw-Hill Companies, Inc., 2002.
Lamberton, Lowell H. Human Relations: Strategies for Success. Richard D. Irwin, Inc. 1995.
JOURNAL
Mendoza-Dayrit, Mylene. How Love Improves Your Health. The Philippine Star. February 7, 2012.
APENDIKS A
LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAG-INTERBYU
Pebrero 27, 2012 Bb….. Student, Secondary Education University of the Immaculate Conception
Mahal naming Binibini, Maalab na Pagbati! Kaugnay ng ginagawa naming pamanahong-papel sa Filipino 2 tungkol sa pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon sa Kolehiyo at Epekto nito sa Akademikong Performans, ay nais po naming humingi sa inyo ng pahintulot upang kayo ay aming makapanayam sa petsa, oras at lugar na inyong itatakda. Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing paksa ay makakatulong sa amin ng lubos tungo sa matagumpay na pagsulat n gaming pamanahongpapel. Dalangin po naming ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap.
Lubos na gumagalang,
Peter John T. Toyorada Lider ng Pangkat
Binigyang-pansin:
Gng. Lucia Escudero Propesor
Pebrero 24, 2012 Teresita Adriano Dekana, Programa ng Edukasyon University of the Immaculate Conception Ginang: Maalab na Pagbati! Kami po ay kabilang sa pangkat 1-C Engineering na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 2. Isa po sa pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papel-pampananaliksik. Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusulat ng isang pamanahong papel tungkol sa Pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon sa Kolehiyo at Epekto nito sa Akademikong Performans. Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami’y makapamahagi ng sarbey-kwestyoner sa tatlumpung (30) mag-aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon. Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po ng lubos sa aming pag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.
Lubos na gumagalang,
Peter John T. Toyorada Lider ng Pangkat
Binigyan-pansin:
Gng. Lucia Escudero Propesor
Inaprobahan:
Gng. Teresita Adriano Dekana, Programa ng Edukasyon
Mahal naming Respondente, Maalab ng Pagbati! Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa Pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon sa Kolehiyo at Epekto Nito sa Akademikong Performans. Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoner na ito upang makatanggap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik. Kung gayon, mangyari lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Maraming salamat po!
- Mga Mananaliksik
Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot.
1. Pangalan (Opsyunal): __________________________________________________________ 2. Kasarian:
[ ] Babae
[ ] Lalaki
3. Kailan ka nagsimulang makipagrelasyon? [ ] Grade School st
nd
[ ]1 –2
Year H.S.
rd
th
[ ] 3 – 4 Year H.S. [ ] sa kolehiyo
4. Ilang oras ang ginugugol ninyo sa isa’t-isa? [ ] di hihigit sa 2 oras
[ ] 5 oras o higit pa
[ ] 3 – 5 oras 5. Ano sa palagay mo ang naidudulot na POSITIBO ng pakikipagrelasyon?
[ ] inspirasyon
[ ] mas makikilala ko ang aking sarili
[ ] kasiyahan habang kami ay magkasama
[ ] paghahanda para sa aking kinabukasan
[ ] may makakasama sa pangangailangan
[ ] others: _________________________
6. Ano sa palagay mo ang naidudulot na NEGATIBO ng pakikipagrelasyon? [ ] distraksyon
[ ] dagdag gastos
[ ] aksaya ng panahon
[ ] nababago ang aking ugali
[ ] walang negatibo
[ ] others: _____________________________________
7. Bakit mo naisipang makipagrelasyon? [ ] dahil sa udyok ng kaibigan/barkada
[ ] nagmamahalan kami ng tunay
[ ] para maging sikat ako
[ ] naawa lang ako sa kaniya
[ ] gusto ko lang ng experience
[ ] excited akong makipag-sex
[ ] kasi maganda/gwapo siya
[ ] others: _________________________
8. Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa iyong pag-aaral? [ ] nagkukulang ng oras sa aking pag-aaral [ ] hindi nakakagawa ng mga assignments/projects [ ] may tumutulong sa paggawa ko ng mga assignments [ ] matataas ang aking marka dahil “inspired” ako [ ] walang epekto [ ] others: ___________________
Pamagat:
_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________
Mananaliksik:
_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________
Taon at Pangkat: ________________ Semester: ________________ Taong Akdemiko: ___________ Sistema ng Pagmamarka: Apat (4) na puntos ang pinakamatas na maaring ibigay sa bwat aytem. Maaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.
A.
Masteri 1.
2.
3.
4.
5.
Naipamalas ba ng bawat miyembro ng pangkat ang masteri at kahandaan sa pagtalakay ng paksang naitakda sa bawat isa?
__________
Sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang pagtalakay ng bawat isa?
__________
Sapat at malinaw ba ang ma nailahad na paliwanag at halimbawa ng bawat miyembro?
__________
Wasto, sapat at mapanghikayat ba ang pag-sagot ng bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist ?
__________
Obhetibo at valid ba ang mga pahayag ng bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist ?
__________ Sub-total:
B.
__________
Pamamaraan 1.
Laohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat?
__________
2.
Gumamit ba sila ng mga kailangang kagamitang awdyo-biswal?
__________
3.
Angkot at epektib ba ang kagamitan ng pangkat?
__________
4.
Epektib at kompitent ba ang pangkat sa manipulasyon ng mga kagamitan sa presentasyon?
__________
Angkop at epektib ba ang pamamaraan o istratehiyang ginamit ng pangkat?
__________
5.
Sub-total:
C.
Artikulasyon 1.
Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat miyembro ng pangkat sa pagsasalita?
__________
2.
Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita?
__________
3.
Angkop at epektib ba ang kanilang galaw, kumpas at iba pang non-verbal clues?
__________
4.
Wala ba silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita?
__________
5.
Wasto at angkop ba sa diwa ng mga pahayagan ang kanilang bilis sa pagsasalita, tono, diin at hinto/ pausing?
__________ Sub-total:
D.
__________
__________
Disiplina 1.
Nagsimula at natapos ba sa takdang oras ang presentasyon ng pangkat?
__________
Naging malinaw, matapat at magalang ba sila sa pagsagot ng mga tanong ng panelist ?
__________
Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon sa presentasyon? Hindi ba monopolisado ng isa o ilan ang mga gawain?
__________
4.
Naipamalas ba ng bawat isa ang tiwala sa sarili?
__________
5.
Angkop ba ang anyo, ayos at kasuotan ng bawat isa?
__________
2.
3.
Sub-total:
Kabuuan/Katumbas na Marka:
__________
__________
Mga Puna at Mungkahi: _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________
Pamagat:
_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________
Mananaliksik:
_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________
Taon at Pangkat: ________________ Semester: ________________ Taong Akdemiko: ___________ Sistema ng Pagmamarka: Apat (4) na puntos ang pinakamatas na maaring ibigay sa bwat aytem. Maaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.
A.
Paksa at Suliranin 1.
Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng Pananaliksik?
__________
2.
Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon?
__________
3.
Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa upang makalikha ng mga valid na paglalahat?
__________
Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag-aaral?
__________
Malinaw, ispesipik at sapat ba ang tiyak na layunin ng pag-aaral?
__________
Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat isang termino?
__________
4.
5.
6.
Sub-total:
B.
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 1.
Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinalakay?
__________
2.
Malinaw at maayos ba ang pagtalakay sa mga pag-aaral at literaturang iyon?
__________
Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral sa iba pang hanguang ginamit?
__________
3.
Sub-total:
C.
__________
Disenyo ng Pag-aaral
__________
1.
2.
3.
4.
Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamit sa pananaliksik?
__________
Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayon ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik?
__________
Sapat at angkop ba ang respondeng napili sa paksa ng pananaliksik?
__________
Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos?
__________
Sub-total:
D.
Presentasyon 1.
Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap?
__________
2.
Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal tritment ang mga datos?
__________
3.
Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng mga datos?
__________
4.
Malinaw, maayos at consistent ba ang tekstwal at tabular/grapikal na presentsyon ng mga datos?
__________ Sub-total:
E.
__________
__________
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 1.
Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos?
__________
2.
Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba iyon sa mga datos na nakalap?
__________
Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan sa layunin sa pag-aaral?
__________
Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad na rekomendsyon? Makalulutas ba ang mga iyon sa mga suliraning natukoy sa pag-aaral?
__________
Malinaw, tuwiran, at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom, kongklusyon at rekomendsyon?
__________
3.
4.
5.
Sub-total:
__________
F.
Mekaniks at Pormat 1.
2.
3.
Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel? Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase?
__________
Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto Ng pamanahong-papel?
__________
Sapat at maayos ba ang pagkaka- proofread at pagkaka-edit ng pamanahong-papel?
__________
Sub-total:
Kabuuan/Katumbas na Marka:
__________
__________
Ebalweytor: __________________________________________ Petsa: _______________________________________________